Try anything at least once pala ha...

Magpalaman ng tasty sa pandesal.

Umalis ng bahay ng suot tsinelas sa isang paa, at sapatos sa kabilang paa.

Humingi ng autograph ng hindi mo kakilala, at hindi naman sikat na tao.

Tawaran ang presyo ng kakainin mo sa fastfood restaurant.

Pumili ng kanta sa videoke pero babasahin mo ang lyrics sa songhits. (may songhits pa ba?)

Kapag may binili ka at may sukli ka pa: Tanggaping ang sukli mo nang nakasahod ang dalawang kamay. At nakayuko ka pa.

Paglabanin ng bato-bato-pic ang kaliwa at kanang kamay mo.

Ang hindi lang namin alam 'e kung mapagyayabang mo kapag ginawa mo yang mga yan.