Redundant.

Ailah: Gerome akyat ka sa taas, paki kuha yung charger ng phone ko.

Gerome: Beket kailangan mo pang sabihing "SA TAAS" ate? Saan pa ba ako aakyat, sa baba? Duuhh!

Ailah: Icharge mo yung phone tapos paki dial yung number ni mommy, tanong mo kung napadala na ba nya yung pambayad ng tuition mo. Hindi ako makapindot nagcutics kasi ako ng kuko.

Gerome: Nagcutics ng KUKO?? Bat hindi nalang "nagcutics kasi ako."? may iba ka pa bang pwedeng icutics sa katawan mo kundi kuko?.. Duuhh!

Ailah: Gerome check mo nga, mukang umuulan sa labas 'e. Check mo para alam ko kung magchichinelas lang ako pag kinuha ko yung padala ni mommy sa banko.

Gerome: Check ko kung umuulan sa labas ate? kung umuulan SA LABAS?? Baket, pwede bang umulan sa loob?.. Duuhh!

Ailah: Kanina ka pa ah! Eh kung SIPAIN kita ng PAA ko?!! At BATUKAN kita sa BATOK?!! Ano duh? DUH?!!

Gerome: ...Pikon.