The Big Picture

Lahat ng tao mahilig tumingin ng picture, at mahilig magpapicture. Kanyakanyang gimik para maging cute at pogi sa picture. Hindi lagi, pero kadalasan parepareho ang kinalalabasan ng mga kuha, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Para lubos na maintindihan ang sinasabi namin... Eto ka!

Bagong panganak Baby Picture: Nakahubad ka, kita yung flower mo o kaya bird mo.
(O kaya flower at bird mo kung hermaphrodite ka)

School I.D. Picture:
Mas maputi ang muka mo kesa sa leeg, at halatang nilamas ng baby powder ang muka mo. (Kapag may lalagyan ang pulbos mo, dala mo yan galing sa bahay. Kapag nakalagay lang sa panyo o sa papel ang pulbos, hiningi mo lang yun.)

Graduation Pic: Naka-make up ka na singkapal ng swelas ng ispartan at mukang naka-glue lang ang buhok mo sa ulo. Hindi ka makasmile ng maayos dahil baka mabiyak ang make up mo, at galit na galit ka kapag nadikitan ng ibang tao ang buhok mo.

Friendster: Kinukuhaan mo ang sarili na naka-anggulo ang camera sa taas para magmukang payat ang muka. O kaya ay kukunan mo ang sarili na naka-anggulo ang camera sa taas parin para makunan ang buong katawan mo.

Myspace: Ginagawa mong black and white ang picture para artistik kunyari. Tumalino ka at naisip mo na hindi mo kailangang i-anggulo ang camera sa taas para makunan ang buong katawan mo at gumamit ka ng salamin, kaya may hawak kang camera sa lahat ng pictures. Kinukuhaan mo ang sarili na nakasakay ka sa kotse mo kung lalake ka. Kung babae ka, kinukuhaan mo ang sarili na pinapakita mo ang cleavage mo. May mga tao din na kinukuhaan ang sarili na pinapakita ang cleavage... pero lalake.

Facebook: Mga kuha na kasama ang barkada mo sa gimikan, at ang ilalagay na title ng album ay "emba nights" o kaya "gimikzzz". Kinukunan mo ang sarili mo sa harap ng salamin na natatakpan ang muka mo ng malaking high-tech na digicam na itim (dslr). Pinapalaki mo ang pisngi mo para kunyari baloon ka. Naka-peace sign kahit hindi bagay. Naka-peace sign kahit HINDI TALAGA BAGAY! Kinukunan mo ang sarili mo na nakapatong lang sa ulo ang sumbrero mo at nakashades ka na butas-butas, at may glow stick ka pa sa leeg, sa dalawang braso, sa paa, sa hita, sa kamay, sa ulo, sa kidney, sa liver, sa small intestine, sa large intestine, sa ribs.