
Kung kami ang tatanungin, o kahit hindi kami tanungin, sasabihin namin na hindi sya dapat pilitin magbigay ng parte ng panalo nya dahil lang oras ng pagiging congressman ang ginagamit nya sa training. Baket, binabayaran ba natin si Pacquiao para magdala ng karangalan sa Pilipinas? Naniningil ba si Pacquiao tuwing napapaligaya nya ang mga tao tuwing nananalo sya? Binabayaran ba natin si Manny Pacquiao tuwing napapatawa nya tayo kahit hindi sya nagpapatawa? Abot langit ang pagkabobo ng mga taong nakaisip na dapat magbigay si Manny ng parte ng kikitain nya sa susunod nyang laban. Kung meron mang dapat bayaran si Manny, yun ay ang mga taong nanood ng mga pilikula nya, dahil nasayang ang pera nila.
Talaga namang magbibigay sa Pilipinas si Manny Pacquiao ng parte ng kikitain nya dahil lagi naman syang nagbibigay ng tuwing may laban sya. Hindi lang napapansin ng mga Pilipino dahil kinukupit ng iba. Ang tawag dun ay Tax mga ugok.
opinion tungkol dito. picture hugot dito.