
Kung kami ang tatanungin, mahina parin ang ekonomiya natin, pero gaya nga ng sinabi namin, mas ok na ang konting pag-angat kesa wala. Sa aming tancha, ang pinaka magandang nagawa ni Gloria Macapagal Arroyo, ay hindi ang konting pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Ang pinaka magandang nagawa nya ay napag-isa nya ang mga Pilipino. Oo, sa maniwala ka o hindi, malaking dahilan kung baket mas niyakap ng mga Pilipino ang pagkakaisa, at nauso ang mga t'shirt na may Philippine flag o kaya mapa ng Pilipinas, ay dahil nabigyan tayo ni Gloria Macapagal Arroyo ng dahilan para magmalasakit sa Inang Bayan. Nagmukang kawawa ang Pilipinas dahil sa mga issue na naganap. Nahabag ang mga tao at nagkaisa dahil nagkaron sila ng "common enemy" sa pagkatao ni Gloria. Sya ang naging "kontra bida" ng teleserye na pinamagatang "Pilipinas". Sa loob ng syam na taon, pinanuod natin ito at sinubaybayan, at dahil magaling ang pagkakaganap na "kontra bida" ni Arroyo, lalong napamahal sa lahat ang bida. Sana sa susunod na yugto, suportahan parin natin si "Pilipinas".
Pansinin mo, ngayon na hindi na sya ang presidente,
hindi na ganon kauso ang "Filipino Unity" at "Pinoy Pride"?
picture hugot dito