
Mamaya manunuod ulit kami. Mukang interesting abangan kung ano ang gagawing adjustments ng Alaska at San Miguel. Si Gee Abanilla ba ulit ang mag-cocoach? Magpapa pungsoy (feng shui) ba si Siot para lalong swertihin ang San Miguel? Kukunin bang player ng Alaska si Chris Bolado para kontrahin ang swerte ng San Miguel? Sa basketball hindi mananalo ang puro swerte lang. Tulad ng marathon, patibayan din ang labanan. Parang chess, pagalingan din ng diskarte ang mga coaches. At parang low budget na game show, may pagalingan din ito ng cheer. Pero hindi talaga maiaalis ang factor ng kaswertehan, dahil sabi nga ni Atoy Co "The ball is AROUND."
Ang susunod na pabasa namin dito tungkol sa kasalukuyang PBA Fiesta Conference ay magiging Congratulatory post lang para sa kung sino man ang maging champion sa gitna ng Alaska at San Miguel. Sino kaya ang maco-congratulate? Sino ang hindi makakatanggap ng pangpalubag loob na 2nd place trophy na hindi naman nakakalubag ng loob. Sino ang paulit-ulit na kakantahan ng "We are the champions."... Para kanino babagsak ang mga balloon?
picture hugot dito at dito