Simpleng pamumuhay...

Kung gusto mong mabawasan ang stress ng buhay mo, wag kang pakialamero at wag kang magpaapekto. Kung hindi naman nakakasakit sayo o sa mga kakilala mo ang drama sa buhay ng iba, wag mo nang pakialaman. Iba ang matulungin sa taong gusto lang maging bida. Iwasan mo na din magpaapekto sa iniisip ng iba. Ang mga taong importante lang sa buhay mo ang dapat makaapekto sa buhay mo. Isipin mo nalang 'to; Kung wala kang nasasaktan, wala kang naaaragabyado, at wala kang niloko... wala kang ginagawang mali. Kung ano man ang masamang isipin ng iba tungkol sayo, sariling demonyo na nila yon.

"Wag mong gawing kumplikado ang buhay mo na parang ROASTED HIGHLAND LEGUMES, dahil ang buhay ay kasing simple lang ng ISANG PLATITONG MANI." -MgaEpal.com



picture hugot dito