Give the man a break.

May mga taong nagsasabi na hindi ginagampanan ni Noynoy ang trabaho nya ng tama bilang presidente base sa unang 100 days nya in office. Kahit may mga pagkukulang si Noynoy, sa tingin namin, hindi sapat ang 100 days para husgahan ang magiging kabuuhang performance ng isang presidente. Madaming kailangang asikasuhin si Noynoy at naistorbo pa ang pagpapalakad nya nung nangyari yung hostage taking sa tour bus, dahil madaming kailangang plantsahin sa issue na yon. Sa tingin namin mejo nagiging hands on naman sya at hindi panay utos lang. Pag wala paring nangyare sa mga imbistigasyon sa government corruption after one whole year, dun na tayo umapila dahil sinabi nya na yun ang priority nya. Sa ngayon, pagbigyan naman natin si Noynoy na madevelop ang full effect ng leadership skills nya. Kung ang fetus nga inaabot ng 9 months bago makita ang resulta ng full development, diba? Pero hindi namin sinasabi na mukang fetus si Noynoy.