"Misis personality"

Mister: Wala na daw breakfast meal. Hanggang 10am lang daw sila nagse-serve non. Inorderan na lang kita ng spaghetti.

Misis: Sino yung kausap mo kanina habang nakapila ka don?

Mister: Ah yon, wala ex-girlfriend ko yun. Selos ka na? hahaha

Misis: Ex mo yon? Ang penget. Ba't ka pumatol sa ganon?

Mister: Mabait sya 'e.

Misis: Swerte mo pala saken.

Mister: Oo naman. Mas mabait ka kase.

Misis: At maganda ako.

Mister: Mabait ka talaga.

Misis: At maganda, diba?

Mister: Sobrang bait mo.

Misis: At maganda!

Mister: Kain ka na, lumalamig yung spaghetti.