Una

Naging palaisipan na sa pagkahaba-habang panahon sa modernong mundo kung alin nga ba ang nauna, Itlog o Manok? Mula America, Russia, Istanbul, hanggang Sweden at maging sa Makati, alam nang lahat ang palaisipan na yan. Nanggaling kase ang itlog sa manok, pero nanggaling din ang manok sa itlog. Ayon sa beteranong komidyante at writer na si "Brad Pit" nauna ang itlog dahil unang ginawa ng Diyos si Adan. May punto nga naman ang dahilan ni "Brad Pit" pero naisip namin na si Adan ay may manok din. Kaya bumabalik parin ang tanong kung alin ang nauna... itlog o manok?

Gusto din namin malaman kung ano ang mas napupusuan na sagot ng mga Pilipino, kaya makakatulong ang boto mo sa walang kwentang survey na 'to.

Ano ang nauna?
Team Itlog
Team Manok


End of voting and survey results will be posted on August 7, 2010.

Horoscope:

Capricorn: Magiging tomboy ang girlfriend mo. Ok lang dahil magiging bading ka naman.

Virgo: Palalayasin ka ng misis mo dahil pinagbibintangan ka nyang nambababae kahit hindi naman totoo. Titira ka sa girlfriend mo.

Scorpio: Uulanin ka ng swerte. Magdala ng payong.

Sagittarius: Mababadtrip ka dahil 20 pesos nalang ang pero sa bulsa ng suot mong shorts. Matutuwa ka dahil maaalala mong wala namang pera yung shorts mo at shorts ng kapatid mo ang nasuot mo.

Taurus: Makakakita ka ng robot na nakasakay sa dragon. Tigilan mo na yang pagsinghot ng rugby.
"Ang buhay ng tao ay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba, minsan iniihian." -MgaEpal.com

Walang pink at may hello kitty na hindi nagiging cute para sa mga babae.



Ang babaeng magsasabi na hindi cute yan, sinungaling.
Wala na, sinabi na namin, wala nang bawian.

Honesty.


From your friendly neighborhood sindikato.

Wowowee

Wowowala na. Kawowowa naman.

Single and ready "tuminggel".

Jay: Tsong, ba't hanggang ngayon wala kang shota? Wala ka bang natitipuhan?

Paul: Meron. Kaso manhid ka.

That guy's inlove with you pare...

Walking Distance



Gawa din tayo ng "Guy Walks Across Philippines." para mapakita ang ganda ng Pilipinas. Ipapakita natin ang isang lalake na naglalakad. Dadaan sya sa Davao at sapilitang kakain ng durian, tapos sa Cebu at kakain ng dried mangoes, sa Romblon at mamimili ng marmol, sa Boracay at maglalakad sa pinong buhangin. Dadaan din sya ng Batangas at bibili ng balisong, tapos sa Laguna at kakain ng buko pie gamit yung balisong. Ang huling dadaanan nya ay Metro Manila. Matatapos ang video kung saan man sya maholdap.

Bottled Bullshit


Sa halos 60 pesos lang, makakainom ka na ng tubig.
Kaya ano pang inaantay mo? Magpakasosyal ka na!


Aakyat din kami ng bundok, kukuha din kami ng libreng tubig doon, at ibebenta din namin ito ng 60 pesos sa mga gustong maging sosyal. O kaya ibebenta namin ito ng 61 pesos para mas sosyal. At parang "Evian", mag-iisip din kami ng pangalan para dito, na kapag binaliktad mo ang pagbasa, makikita mong yun ang tawag sa mga bumibili nito. Tatawagin namin itong "Otu-otu" o kaya "Ogag", o kaya "Obob", pwede ding "Laysosap".

Noynoy SONA 1: Success

Kinailangan namin ng halos dalawang araw para mahimay ang unang SONA (State Of the Nation Address) ni Pres. Noynoy Aquino. Kung titingnan ng buo, isang success ang unang SONA nya. Hindi ito naging puro pangako. Nagkaroon ng pagbatikos sa mga kahinahinalang mga activity ng ibang government officials at agencies. At naparating sa taong bayan ang mensahe ng maayos dahil tagalog ang salita.

Kung may ginawa kang iba sa mga oras nung SONA, o nakalimutan mo na may SONA, o wala kang TV, eto, magtiyaga ka sa Youtube videos.















Sa umpisa ng SONA ni Pres Noynoy (Kahit kailan hindi namin tatawagin na "PNoy" si Noynoy dahil baduy.) naging monotone ang pagsasalita nya. Kulang sa emosyon at parang walang period at comma ang binabasa nya sa teleprompter. Tuloy-tuloy ang pagsasalita na parang isang mahabang mahabang mahabang mahabang sentence ang sinasabi nya. Pero dala na din siguro ito ng kaba. Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na ang "intro" nya. Kitang nakabuwelo na ng maayos si Noynoy. Bumaba ng gear ang pagsasalita nya at nagkaron na ng intonation. Mas galing na sa kanya ang emosyon at mas makahulugan na.

Binanggit ni Noynoy ang mga issue ng "anomaliya" sa ilang mga sangay ng pamahalaan at kung ng paraan ng pagpapatakbo nito. Ang resulta ngayon, ay nagreact ang mga taong involved sa mga nabanggit na issues at naging defensive. May mga nagdeny at may mga nagpasa ng responsibilidad sa mga pagkakamali na naungkat. Ang ibang government agency na binatikos ay nagturo ng ibang sangay ng pamahalaan para sisihin.

Sinasabi ng iba na hindi mabuti ang magiging epekto ng ganitong pagbabatikos dahil mag-aaway ang mga government agency. Sa tingin namin, mas mabuti pa ngang mag-away sila para sila mismo ang magbantayan sa pangungurakot. Mas madali mangurakot kung magkakakonchaba ang mga government agency, kaya kung sila ang magsisisihan, hindi sila MASYADONG magnanakaw dahil isusumbong sila nung ibang agency. Kuha mo? Imbis na taong bayan lang ang nagbabantay, mas magiging mapanuri ang mga government agency laban sa katiwalian ng ibang agency para hindi sila ang sisihin kapag may anomaliya. Tama na, dapat naintindihan mo na yon dahil masyado nang redundant.

Nasabi namin na success ang unang SONA ni Noynoy dahil...
  • Hindi sya nasupalpal ng taong bayan.
  • Karamihan ng may angal ay gumagawa ngayon ng hakbang para malinis ang sistema ng government agency na kanilang kinabibilangan.
  • Napanatili o napalakas ang tiwala ng taong bayan kay Noynoy.
  • Bagong gupit at maayos ang buhok ni Noynoy ngayon.
State Of The Nation Adress sya... baket SONA lang? Baket hindi SOTNA? Mas bida ba ang "Of" kesa "The"?

Double Standard

Kayamanan:
Maayos na pamilya
Kaibigan
Kalusugan
Pagmamahal
Pera
Ari-arian

Pahirap sa buhay:
Problema sa pamilya
Nasira na relasyon
Stress sa trabaho
Sakit
Pakikipagsiksikan sa LRT/MRT
Kakulangan sa pera

"Kung meron kang yaman, mayaman ka. Hangga't nahihirapan ka, mahirap ka."

"Domino"



Always look at the bright side of life... buti nalang nakunan ng video.

Jevolution



aBaH PuHmApaLaGz.

Epal. Mas Epal

Epal: Kaya pala hindi kita makita, nagtatago ka dito sa usok ng barbeque-han ha. Libre ka naman.

Mas Epal: Wala. Sakto lang 'to para saken.

Epal: Ilan ba binli mo?

Mas Epal: Anim.

Epal: Andamot mo naman! Anim sayo lang? Hindi mo man lang ako malibre ng isa?!

Mas Epal: Gutom ako 'e. Hindi pa kasi ako naghahapunan.

Epal: Malamang! 3 palang ng hapon e'!

Mas Epal: Sa susunod na kita libre...

Epal: Eto... pag umaalis tayo sagot ko pang-gas ng kotse, nililibre pa kita minsan ng miryenda tapos isang barbeque lang hindi mo ako mapagbigyan? Sige ganito nalang, pag nasagot mo ng tama etong mga tanong ko hindi nako papalibre.

Mas Epal: Anong klaseng tanong?

Epal: Basta madali lang. Walang kinalaman sa history, math, at science.

Mas Epal: Ok, game. Ilang tanong ba?

Epal: Teka, pero pag may maling sagot ka, sakin na yung isang barbeque mo. Apat na tanong lang.

Mas Epal: Basta pag mahirap yung tan0ng, hindi counted yun ha.

Epal: Oo, sige. Ok game na... Ano ang tawag sa karneng nakatuhog?

Mas Epal: Edi barbeque.

Epal: O' may isang tama ka na. Sabi sayo madali lang diba. Second question... Ano ang tawag sa kamoteng nakatuhog?

Mas Epal: Edi kamoteque.

Epal: Ah alam mo pala yung kamotecue ha. Ok, dalawang tanong nalang... Ano ang tawag sa saging na nakatuhog?

Mas Epal: Edi bananaque.

Epal: Sige, last question... Ano naman ang tawag sa kabayong nakatuhog?

Mas Epal: Edi... horseque?

Epal: Gago, merry-go-round. Sige uwi nako, Salamat dito sa barbecue ha. Next time ulit.

Mas Epal: Fuckcue...

Pano mo pagkakasyahin ang 50 na tao sa isang jeep?

"Sus! Edi 3 sa harap, 47 sa likod. Duh!"


Oo nga naman.

Picture hugot dito
"Bahala na ako." -Batman

Kinanginang mangkukulam yan, ngayon lang kami napikon ng ganito.




Murahin mo na ang mga kurakot. Murahin mo na ang mga dupang. Murahin mo na ang nagnakaw ng passport mo. Kung gusto mo murahin mo na lahat ng Pilipino. Pero wag na wag mong mumurahin ang Pilipinas.

Ang magmura sa P.I. (Philippine Islands) ay P.I. din (P*tang I*a)
Nakatungtong ka lang ng America, ini-expect mo nang sasambahin ka ng Pilipino? Bangag ka ba? Baka gusto mong makarate chop sa kili-kili.

Base sa video na 'to, mukang mas malakas ang droga sa America.

Pano mo naman hindi iinsultuhin yan?

Screwdriver ka pero muka kang hotdog.

Pambasag Pick-up...

Lalake: Papicture tayo, para ma-develop tayo.
Babae: E' kung digicam ang gamit? Ano yun, para ma-save tayo? Tapos pwede pang i-delete!

Lalake: Pwede ba kita maging driver? Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko.
Babae: Ah driver pala ang nagpapatakbo ng buhay mo. E' gago ka pala e'.

Lalake: Pinaglihi ka ba sa keyboard? Kasi type kita.
Babae: Oo dun ako pinaglihi, dahil kumain ng keyboard ang nanay ko nung pinagbubuntis nya ako? Abnoy!

Lalake: Me lisensya ka ba? Coz you're driving me crazy eh.
Babae: Baket, kotse ka ba?

Lalake: I'm a bee. Can you be my honey?
Babae: Tarantado ka, gusto mo akong sipsipin at idura ulit para kainin ng mga alagad ng reyna nyo?! Bee mo muka mo!

Lalake: Bangin ka ba? Nahuhulog kasi ako sa'yo.
Babae: Hindi, tao ako. Pero may malapit na bangin dito dun ka mahulog.

Lalake: Pustiso ka ba? Kasi, can't smile without you.
Babae: Bungal!

Lalake: Hey, did you fart? Coz you blew me away!
Babae: Oo utot ko lang yun, kaya tantanan mo nako.

Lalake: Ako ay isang exam kaya sagutin mo na ako.
Babae: Sorry bobo ako, kaya kung exam ka, ibabagsak kita ulol.

Lalake: Mahilig ka ba sa asukal? Ang tamis kasi ng mga ngiti mo.
Babae: Baket, ikaw ba mahilig ka sa mais kaya corny yang mga linya mo?

Hopeless

"Kabataan ang pag-asa ng bayan."

Pero ang legal age para tumakbo bilang presidente ay 40? Wow batang-bata.

Wala na nga talagang kinahantungan ang negotiations para sa Pacquiao-Mayweather fight.

Sa November 13, si Antonio Margarito ang makakalaban ni Manny para sa pang-walong division tittle ni "Congressman Pacquiao" kung nagkataon. Second choice lang si Margarito para makalaban ni Pacquiao pero may malaking potensyal na maging exiting ang suntukan. Matagal-tagal na ding hindi nakakaharap si Manny ng palaban na boksingero. Ang huling dalawang kasuntukan ni "Congressman Kamao" laban kay Cotto at Clottey ay naging offense vs. defense kung saan mukang nagtraining lang si Cotto at Clottey sa pagsalag ng suntok. Kung magiging totoo si Antonio Margarito sa sariling boxing style nya, baka makakita tayo ng matinding basagan ng muka. Kilala si Margarito na offensive fighter, pero baka dahil mas malakas ang loob nya noon umatake nung bago sya mahulihan ng plaster sa gloves (Ang plaster ay nagsisilbing viagra para sa gloves. Nagpapatigas.)

Kutob namin na ang susunod na laban ni Pacquiao ay magiging timbangan ni Mayweather sa pagdidisisyon kung papalagan nya ba ang hamon para labanan si Manny. Hamon na hindi na lang nanggagaling sa kampo ni Pacquiao. Hamon na hindi na lang nanggagaling sa mga Pilipino. Kundi hamon na sinisigaw na ng buong mundo. Pero sa November 13, 2010, balik Meksikano muna tayo.

"Ang unang hakbang sa katuparan ng pangarap... ay pagkakaroon ng pangarap." -MgaEpal.com

Feel Good Video



Kapag ESPN na ang tumawag sayo ng duwag, wala ka nang palag, dahil alam nila LAHAT.
ESPN: "Extrasensory Perception Network"



Patawarin natin si Snoop Dogg dahil hindi nya mapigilan na kumampi kay Mayweather dahil si Snoop ay "Dogg" (Aso) at si Mayweather ay "Bitch" (Babaeng aso)... at hindi sya ESPN.

Ngayong limitado ang supply ng tubig dahil sa pagbaba ng water level sa Angat dam...

Gumamit ng baso pag nagsisipilyo para hindi tuloy-tuloy ang tubig sa gripo.

Mag wax nalang ng kotse para hindi mapadalas ang carwash.

Tumayo sa planggana kapag naliligo para maipon ang pinagliguan at gamiting pangbuhos sa inodoro.

Ipangdilig ang tubig na pinaghugasan ng bigas.

Prituhin nalang ang bigas.

Soft drinks ang ipangligo.

Wag muna magrally ang mga aktibista para hindi muna magbomba ng tubig ang mga pulis.

Papakin nalang ang kape.

Ilipat ang mga nimbus clouds sa ibabaw ng Angat dam para dun maipon ang tubig ulan.

Paintjob


"Psst... miss, baka naman pwede kong masusian yan..."

Kadena

Sa araw-araw na naki-friendster, naki-facebook, naki-email, o naki-textmate ka, malabong hindi ka pa nakatanggap ng chain letter. Ito yung mga messages na may kasamang, compelling na kwento, o sulat na naguutos sayo na gumawa ng kung anu-anong bagay (mag-orasyon, banggitin ang isang salita ng paulit-ulit, o magdasal) para swertehin ka DAW. Kadalasan, sa dulo ng mga messages na 'to, uutusan ka na i-send ang message na yun sa ibang tao. Madami ang nauuto sa kagaguhan ng chain letters dahil madami ang may gustong swertehin, at kadalasan ang mga chain letters ay may banta sa dulo na kapag hindi mo daw ito i-send sa ibang tao, mamalasin ka.

Kami sa MgaEpal.com ay hindi naniniwala sa kabobohang chain letters, pero kung trip mong magpauto sa isang basura sa inbox mo, ikaw ang bahala, kanya-kanyang trip yan. Madali din naman kaming maapektohan ng mga banta na hango sa superstitions o kahit nga walang basehan, kaya sa umpisa pa lang, kapag may kutob kaming chain letter ang isang message, naging ugali na naming wag tapusin ang pagbabasa sa sulat. Pero sabi nga namin, kanya-kanyang trip yan, kaya pagtitripan na din namin ang mga naniniwala sa chain letters...

I-send mo itong message na 'to sa isang uto-uto na kakilala mo at kumain ka ng 7 na fishball, tapos humiling ka ng kahit ano. Matutupad ang wish mo. Kapag hindi mo ito ginawa, magkakaron ka ng sumpa at ikaw ay magiging emo.

Obrang hugot sa alindog.



Artnatomy.

Commission On Election, pinayagan si Mikey Arroyo na maging representative ng mga security guards at tricycle drivers sa House Of Representatives.


Magrepresent ng mgs tricycle drivers at security guards? Muka bang may tiyagang magmaneho ng tricycle yang bochog na yan? At muka bang naiintindihan nyang "action star" na yan kung pano maging sikyo na walong oras nagbabantay, nagbubukas ng pinto, nagche-check ng bag, at nangungulit kung may I.D. ka ba? Ang tricycle driver, dadalhin ka sa pupuntahan mo, at hindi sya ang magliligaw sayo. At ang security guard, kakapkapan ka, pero itong humpty dumpty na 'to, mukang sya pa ang dapat kapkapan. Kung ano man ang agenda ni Mikey sa pag-eksena nya sa posisyon na yan, at kung may kagaguhan man na maganap, ang Commission On Election ang dapat sisihin.

Hoy COMELEC, pasensya na.
Hindi lang namin napansin na oras na pala para mag-gaguhan.


Picture ng tricycle driver slash security guard hugot dito.

Nadisappoint ang mga bading na isda.

Alam mo ba kung ilan sa mga kakilala mo ang nakakaalam tungkol sa MgaEpal.com?

Magugulat ka kung ilan.
Sticky Habit

For a softer touch they told me to use some lotion
With the way I use it, it gives me a different satisfaction
When I'm alone and I can't get some action
A handful of lotion will accompany an erection

Everyone agrees that stickiness is an issue
For my dilemma I always use a tissue
Cleaning and wiping off all the slimy goo
It's white and sticky, but it isn't glue

Sensual and erotic, a spread of sexy women
A copy of FHM allows me to see them
Ladies in thongs, or just their birthday suits again
Now all I need is some lotion, some tissue, and my FHM

-MgaEpal.com

"Walang bagay na walang kwenta sa taong malawak ang kaalaman, matindi ang imahinasyon, at umaapaw ang diskarte ng utak." -MgaEpal.com

Book smarts vs. Street smarts

May mga tao na umuunlad ang kabuhayan sa pamamagitan ng pag-gamit ng kanilang kaalaman na hango sa mga libro. Nandjan ang mga "professionals" (Doktor, lawyer, nurses, teachers, etc.) na malaki ang nagiging impact ng kanilang natutunan sa libro sa kanilang napiling karera. Kadalasang book smarts ang mga taong 'to mula nung estudyante pa lang sila hanggang sa kasalukuyan. Pero may mga tao din na hindi gaano kahusay academically o hindi masyado umasa sa mga libro pero napaangat ang estado ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pag-gamit sa mga bagay na iprinisinta sakanya ng pagkakataon. Ang mga taong ito ay madiskarte at magaling mag-manipulate ng sitwasyon para sa kanilang pag-unlad.

Para mas maging malinaw ang paghimay natin sa book smarts at street smarts gumamit tayo ng isang halimbawa...

Si President Noynoy Aquino ay book smart dahil pinag-aralan nya ang batas na aprubado at naisulat sa constitution. Sa tulong ng kanyang mga advisers, naipiprisinta sakanya ang mga bagay na kailangan nyang basahin at intindihin para maging karapat-dapat sya sa sini-sweldo nyang 95,000 pesos a month. Si Gloria Macapagal Arroyo naman ay street smart, dahil kahit 57,750 pesos lang ang sweldo nya nuon bilang presidente, kumamig naman sya ng milyon-milyon na "incentives" gamit ang "diskarte".

MgaEpal.com True Stories : Janitorial Joke

"Kulturantado", "Bunso", at "Boss Chip" pagkagaling sa bahay ni "Bunso" dumerestso sa SM Centerpoint. CR daw muna...

Pagpasok ng CR nagkanya-kanyang direksyon ang punta. Si "Bunso", umihi sa urinal. Si "Boss Chip", naghugas ng kamay sa lababo. Si "Kulturantado" umihi sa loob ng cubicle. Dahil si "Boss Chip" lang ang hindi busy sa pag-ihi, sya lang ang nakakita sa paglapit ng isang janitor sa isa pang janitor na nagbabanlaw ng mop.

Biglang nagsalita ang janitor na lumapit, at dahil tahimik sa loob ng CR, kahit umiihi pa ang dalawa, maririnig din ni "Bunso", at "Kulturantado" ang sasabihin nung janitor... magjo-joke pala si loko.

Janitor 1: May dalawang magkaibigan, tapos tinanong nung isa yung isa... "Brad, bading ka ba?"

(Napalingon yung isang janitor at napangiti pero tuloy parin sa pagbabanlaw ng mop.)

Karugtong ng joke ni Janitor 1: Sumagot yung isa... "Sa tagal nating magkaibigan, pinaghihinalaan mo pako?". Tapos sabi nung isa, "E' may mga nagsasabi kasing bading ka daw."

(Sa mga oras na yun, nakabukas parin ang gripo sa lababo pero tapos na maghugas ng kamay si "Boss Chip" at nakikinig lang sa joke. Si "Bunso" naman ay nagpapanggap na umiihi parin pero nakikinig lang din. Si "Kulturantado", hindi parin lumalabas sa cubicle, akala namin tumatae, nakikinig na lang din pala sa joke.)
Nagpatuloy sa joke ang janitor: Edi sabi nung isa... "Sige nga kung hindi ka bading, sabihin mo bato!"
"Bato!"
"... Sabihin mo nga latigo!"
"Latigo!"
"O' sige sabihin mo nga batuta!"
"Ahaaayyyy batuta, where?!!"
(Napangiti si "Bunso" na nasa may urinal parin. May tahimik na tawa si "Boss Chip" habang pinapatay na ang gripo. Nakangiti ding lumabas ng cubicle si "Kulturantado". Gagong janitor yan kwela.)

Nung palabas na kami ng CR, apir muna kami kay Janitor 1. Pag tingin namin kay janitor 2 nakasimangot... na-offend siguro sa joke, baka bading.

Macarena

One, little two, little three macarena
Four, little five, little six macarena
Seven, little eight, little nine macarena
Teeeen ma-carena!


Sana lang alam mo yung ten little indian boys.

hip hop na rock and ROLL.



Hip hop na Rock and Roll... and Roll... and Roll and Roll and Roll.

Magpapatali ka ba sa limitadong pagtuturo ng iba, o magiging dakila sa pagtuklas ng mas malawak na kaalaman?

"Mas maganda tingnan ang pagtubo ng halaman na tinali at sapilitang hinubog ang mga tangkay, pero mas nagbubunga ang halaman na lumago ng malaya." -MgaEpal.com


Madalas na namang nawawalan ng tubig sa Metro Manila dahil bumaba daw ang tubig sa Angat dam.

Hayup naman, kung kailan tag-ulan ngayon pa kakapusin at nawawalan ng tubig hanggang anim na oras araw-araw. Ayaw naming mang-akusa pero paki check nga kung anong mga area ang madalas mawalan ng tubig at kung sinong politiko ang madaming water refilling stations sa mga area na yan. Kapag walang tubig, madami ang hndi nakakaligo, pwes magkalabasan na tayo ng baho.

Sure win...


Pwera usog.


In Law

Kung ang magulang ng asawa mo ay mother-in-law at father-in-law mo, at brother-in-law o sister-in-law mo ang kapatid ng asawa mo, at kapatid nila ang asawa mo, edi ibig sabihin siblings-in-law kayo ng asawa mo. Kung naghoneymoon kayo ng asawa mo at siblings-in-law kayo, edi incest-in-law ang ginawa nyo.

Diba?

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 10

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Nestor. Sa murang edad ko ngayon na 18 years old, masasabi kong mas malawak pa ang aking karanasan sa buhay kumpara sa mga 19 years old. Noong 4 years old ako ay nagtrabaho na ako bilang magbobote para masuportahan ang pagpasok ko sa daycare center, at hanggang ngayon na nasa kolehiyo na ako, sariling kayod parin ako para sa tuition fee ko. Madami na akong napasukang trabaho. Nandyan na ang pagiging karpintero, masahista, kargador, event organizer, at mascot. Pero masasabi kong ang trabaho ko ngayon ang pinaka nagustuhan ko. Isa ako ngayong manghuhula sa Quiapo. Sa umaga ay pumapasok ako sa school at sa gabi naman ay dumideretso na ako sa Quiapo. Masaya ako sa trabaho ko ngayon dahil wala akong boss, hawak ko ang oras ko, at pag ayaw kong pumasok, pwede. Isang cold summer night, tahimik akong nanghuhula sa pwesto ko sa Quiapo nang biglang...

May tumambling papunta sa pwesto ko. Nagpakilala sya bilang si Waldo. Isang matabang lalake na mukang kontra bida pero adorable. Hinihingian nya ako ng tong. Kung ayaw ko daw mawalan ng pwesto sa Quiapo, kailangan ko daw magbigay ng 12 pesos sa bawat customer na magpapahula sa akin. Kwinenta ko ang lahat. Normal na 5 hanggang 7 na customer ang nagpapahula sa akin araw-araw, at sa 12 pesos kada customer, 60 pesos hanggang lagpas 60 pesos ang ibibigay kong tong araw-araw. Halos 21,900 pesos yun sa loob ng isang taon! Dagdag pangkain ko na yun. Pangbili ko na ng bagong uniform yun. At maraming iced green tea latte na din yun. Kaya tumanggi ako kay Waldo. Tumawad ako na baka pwedeng 11 pesos nalang ang ibigay ko per customer na magpapahula. Pero naging mahigpit si Waldo at sinabi nyang hanggang 11.50 pesos lang daw ang tawad. Dahil hindi kami magkasundo ni Waldo, kinapitan nya ang kwelyo ng sando ko at pinitik nya ako sa balikat. Sa susunod daw na magmatigas ako, hindi lang daw yun ang aabutin ko. Nanginginig ako sa takot na tumakbo at iniwan ko na ang cutomer ko nun kahit hindi ko pa sya tapos hulaan. Apat na araw na ang nakalipas mula nung huling punta ko sa Quiapo, at iniisip ko kung papayag nalang ba ako sa hinihinging 11.50 pesos na tong dahil maskit pumitik si Waldo. Hindi ko naman alam kung kanino ako pwedeng humingi ng tulong. Gusto ko sanang magsumbong kay Ben Tulfo kaso hindi ko alam ang number nya. Kung pwede Kuya Chico ay ikaw nalang ang maghanap ng number nya sa google dahil hindi ko talaga makita. Kahit email address lang ni Tufo ok na. Sana ay mapadala mo ang contact number ni Ben Tulfo sa akin bago umalis yung customer na iniwan ko sa Quiapo para matapos ko na ang panghuhula sakanya at makuha ko ang bayad nya.

Lubos na gumagalang,
Nestor


Title:
"Hula"

"May mga kaalaman na naituturo ng kabiguan na hindi kailanman maituturo ng tagumpay." -MgaEpal.com

Telefart.

riiiiiing... riiiiiiiing... riiiiiiiiing

Emma: Hello...

Miguel: Hello, pwede makausap si Emma?

Emma: Miguel?

Miguel: O' Emma, ikaw na pala yan. Sunduin na kita ha, gusto ko kasing i-celebrate na sinagot mo na ako kahapon. Sa wakas girlfriend na kita. Daanan kita jan mga 8pm.

Emma: Miguel, ano kasi... ahh...

Miguel: O' baket?

Emma: Hindi, next time ko nalang sabihin, baka may kasama ka jan, mas gusto ko pag...

Miguel: Wala. Wala akong kasama ngayon. Lumabas sila ermat at erpat, nag-grocery. Sabihin mo na kung anong sasabihin mo.

Emma: Diba nung tinanong mo ako kung sinasagot na kita, sabi ko "oo". Eh kasi pinapalitan ko na ang sagot ko. Sorry pero hindi pala.

Miguel: Ha?! Grabe ka naman Emma... tsk... kung anong saya ko kanina, sobrang nadurog naman ang puso ko ngayon.

Emma: Umiiyak ka ba?

Miguel: Sino bang hindi mapapa-iyak sa ginawa mo....

"pooot"

Emma: Utot yun ah... umutot ka?

Miguel: Ha? Hindi ako yon.

Emma: 'E sabi mo wala kang kasama jan, sino yun?

Miguel: Binasted moko, nagpalit ka ng sagot mo. Pwes magpapalit din ako ng sagot ko, may kasama ako dito, basta hindi ako yung umutot. Sige na babay! I hate you!

Floyd Mayweather naubusan na ng palusot at hindi na pinalagan ang hamon ni Pacquiao.

Naubos na nga ang oras sa timer ng promoter ni Manny Pacquiao na si Bob Arum para sagutin ni Floyd Mayweather ang hamon na ituloy ang pinaka-aabangan at pinaka mayaman na laban sa history ng boxing. Pagkatapos pumayag ni Manny sa bullshit na request ni Mayweather para sa Olympic style blood testing, ayaw parin labanan ni Floyd si Manny?


Dear Floyd Mayweather Jr.,

Fuck you.

Sincerely yours,
MgaEpal.com

"Ang tagal ko nang nagpaparamdam sayo, hindi mo naman ako pinapansin... Manhid ka ba?!" -Multo

What the mind can conceive, the t-shirt can achieve.

Mind Quickie

Charmaine: Hoy Greg! Parang ngayon ka lang nakakita ng naka-miniskirt ah! Kung makatitig ka saken parang hnuhubaran mo nako sa utak mo!

Greg: Edi gumanti ka, hubaran mo din ako sa utak mo.

Charmaine: Hindi na! Kadiri ka! So tama ako, hinuhubaran mo nga ako sa utak mo kanina pa, manyak!

Greg: Hoy babae, mabilis ako mag-isip! Sa utak ko, binibihisan na kita ulit ngayon. Kaya wag kang maingay dahil hindi ako makapag- concentrate! Gusto mo bang maiwan kang nakahubad ka sa utak ko? Ano???

Sa Totoo Lang...

Ang pangpalubag loob sayo ng ibang tao kapag naghiwalay kayo ng shota mo...

Kung maganda /gwapo ka:
"Ok lang yun, madami pang iba yan. Makakakita ka pa."

Pero pag panget ka:
"Pabayaan mo na yun, everything happens for a reason."


Classic Prank



Ano ba namang saksakin ka ng saging sa mata kung sulit na sulitnaman ang tawa.

Debate

Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil kaya naming tiisin ang sakit ng tuli.

Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil kaya namin tiisin ang sakit ng panganganak.

Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil mas madami ang lumaban sa amin para sa kalayaan.

Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil Inang Bayan ang pinaglaban at babae ang isang "Ina".

Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil natitiis namin ang mga kaartehan ng mga babae!

Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil natitiis namin ang mga kababuyan ninyong mga lalake!

Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil kaya naming umihi sa isang inodoro sabay-sabay!

Mila: Mas magaling kaming mga babae dahil hindi kami umiihi sa isang inodoro sabay-sabay dahil kadiri yon!

Pancho: Mas magaling kaming mga lalake dahil 2 heads are better than one.

Mila: Letche wala namang kwenta yung isang head nyo!

Pancho: Aba may kwenta yun dahil dun lumalabas ang ihi, at ang panget naman kung walang ulo yun!

Mila: Gago yung totoong head ng mga lalake ang sinasabi kong walang kwenta dahil wala naman lamang utak!

Pancho: Hoooy, may utak kami, hindi lang namin ginagamit!!!

‎"Ang pagiging gago minsan ay pagiging gago habang buhay, dahil ayon kay Ariel Rivera, ang minsan ay magpakaylanman."

Pangbasag ng araw.

Kung dinala ka ng tadhana para mapanuod itong video na 'to, hindi ka mahal ni Lord.

"How well a person can fluently converse in English should not be a basis of one's intelect." -MgaEpal.com

Mga Pilipino nga naman, makarinig lang ng nag-i-english tingin nila matalino na yung taong yon. Magpapakahirap mag-english, kahit hindi sanay para lang magmukang matalino din. Baket, sa tingin mo ba matalino LAHAT ng Americano? Ulul!

Hindi naman masama mag-english, wag mo lang tingalain ang utak ng nag-i-english, dahil ang karunungan ay pwedeng iprisinta ng iba't-ibang lingguahe at ang kamangmangan na idilohiya ay maaari ding sabihin in english.

20% Off sa mga bibili ng dalawa nito.

Naks concern...


Dahan dahan kang mahulog sa ilog.

Kung ang corn oil ay gawa sa corn, at ang vegetable oil ay gawa sa vegetable...

...kadiri pala ang baby oil.

Short story...

Isang araw, habang nanunuod ng TV ang isang ermitanyo, aksidenteng nailipat nya sa Disney Channel. Kasalukuyang "Hannah Montana" ang palabas. Napikon ang elmitanyo dahil hindi nya maintindihan kung baket hindi alam ng mga kaklase nung bida na iisang tao lang si Miley Stewart at Hannah Montana na parehong ginagampanan ni Miley Cyrus gayong ang pinagkaiba lang ng itsura nila ay buhok. Dahil sa galit ng ermitanyo, sinumpa nya si Miley Cyrus, na pagdating ng takdang panahon, sya ay magiging isang... "Britney Spears". The End.

Mga picture ni Miley Cyrus nung tao pa sya:




Ang katuparan ng sumpa:

Tamad si Adan!

Ang sabi sa bible, ginawa daw ni God ang iba't ibang hayop bago nya ginawa si Adan at Eba. Gumawa sya ng mga ibon. Gumawa sya ng mga isda. Gumawa sya ng mga baboy, manok, mga baka at kung ano ano pa. Kung hindi tamad si Adan, sa dami ng hayop na pwedeng kainin, sana nanghuli nalang sya at hindi pinagtiyagaan ang mansanas na inalok ni Eba. Para lang yang mga tao na magtitiyaga na kumain ng mansanas sa pananghalian dahil nakakatamad mag-defrost at magluto ng karneng galing sa freezer.

Compound Words

Baket naging "Starfish"?
Hindi naman star, hindi naman fish.

Baket naging "Butterfly"?
Hindi naman butter, hindi naman fly.

Baket naging "Eggplant"?
Hindi naman egg, hindi naman plant.

Baket naging "Toothpaste"?
Hindi naman tooth, hindi naman paste.

Baket naging "Seahorse"?
Hindi naman Vice, hindi naman Ganda.

"Naku brad karpintero ako. Kung sira ang motor mo, mekaniko ang kailangan mo."

"Hindi brad. Maniwala ka, ikaw ang kailangan ko."

Epal. Mas Epal.

Epal: Huy!

Mas Epal: Nakakagulat ka naman!

Epal: 'E ang labo ng itsura mo, concentrate na concentrate ka jan sa ginagawa mo.

Mas Epal: May hinahanap lang ako. Booyset na chocolate 'to tatlong balot na nabubuksan ko wala parin.

Epal: Ano bang hinahanap mo?

Mas Epal: Magtitimpla kase ako ng juice, e' wala na palang asukal. Hinahanap ko yung libreng asukal, nakalagay sa balot "Sugar free" daw wala naman!

Epal: Ah gago ka.

Mas Epal: Ano? Baket?

Epal: Hindi wala, sige hanap ka lang jan.

Alak at talento.




Gumawa nalang tayo ng ganitong reality show. Labanan ng mga manginginom. May pabilisan lumaklak. Padamihan ng matatagayan sa loob ng isang minuto. Padamihan ng isusuka. Pagalingan magbukas ng bote gamit ang lighter, kutsara, ngipin, pilik mata, at kung ano-ano pa. Tatawagin natin 'tong "Pinoy Beer Brother".

Middle child syndrome.

Napansin mo ba na kadalasan, ang middle child (gitna sa magkakapatid) ay ang nagiging sakit sa ulo ng mga magulang? Hindi naman lagi, pero kadalasan. Sa apat na authors ng MgaEpal.com, tatlo ang middle child. Si "Boss Chip", "Kulturantado", at "Manong Guard" ay nagkataong pare-parehong gitna sa tatlong magkakapatid at nagpapatunay sa theory ng "Middle child syndrome".

Ang middle child syndrome ay nangyayari sa mga middle child syempre (Pangalawa sa tatlo. Pangatlo sa lima. Pang-apat sa pito... kuha mo na?) Nagkakaron ng konting "identity crisis" ang mga middle child dahil sinasabihan sila na maging mabuting "follower" at gayahin ang mga mabuting bagay na ginagawa ng ate o kuya nya, pero sinasabihan din sya na maging mabuting "leader" at maging mabuting example sa nakababatang kapatid. Kapag nag-aaway naman, sasabihan sila na "Wag kang lalaban sa ate/kuya mo, mas matanda sya sayo." pero sasabihan din ng "Wag mong papatulan ang kapatid mo, mas bata sya sayo kaya intindihin mo.) Dahil dito, mas nagiging mapusok at nagkakaron ng "Bahala na mentality" ang mga middle child sa kagustuhan na gumawa ng sariling identity. Pero kahit na madalas maging sakit ng ulo / "black sheep" ang mga middle child, may positibong epekto din ito sa kanilang character building.

Kadalasan mas magaling umunawa ang mga middle child dahil natututo silang makisama sa mas matanda at mas bata sakanila. Mas natututo ng ibang bagay ang mga middle child dahil nga mas madami silang sinusubukang magawa. Mas understanding ang mga middle child dahil alam nya kung pano maging "follower" at "leader". At higit sa lahat, kadalasan, sobrang talino at madiskarte ng mga middle child dahil middle child si "Boss Chip", "Kulturantado", at "Manong Guard" (Si "Bunso" umaapila. Middle child nalang din daw sya.)


Ironic Trivia: Ang author ng MgaEpal.com na nakilala nyo bilang si "Bunso" ay panganay sa kanilang pamilya.

Pakiusap sa Bise Presidente.




Wag naman ganyan brad, nagdidilim ang paningin ng taong bayan sayo.
Nagdidilim. Sobrang dilim. Ang dilim dilim.

Rambulan.

Aalm mo ba na kaiht ibaihn ang aoys ng letetrs ng ibang sailta, kaya pairn ito maindintihan ng uatk naitn. Ayon sa rseearch sa Cmabrigde Uinervtisy kaya pairn baisahn ng mata naitn ang ibang sailta kaiht mgaulo ang aoys ng letetrs btasa nasa tmanag puewtso ang una at hluing letetrs daihl pag may bibanasa ang uatk niatn hidni ito nabgaabsa ng paisa-iasng letetr. Ang bibanasa ng uatk ay ang boung sailta.

Ptaung ina ang hriap ilusat.

Diet tips.

Kumain lang ng sapat. Wag magpadala sa temptasyon ng pagkain. Minsan kahit hindi ka gutom, napapakain ka pag nakakita ka ng masarap na putahe. Iwasan ang mamantika at makolesterol na pagkain.

I-print ng wallet size ang image na nakalink sa baba. Dalhin lagi ang picture ng image na pinalaminate, at sa susunod natatakam kang kumain kahit hindi ka naman gutom, ilabas mo ang picture na pinalaminate at titigan ng 5 seconds.

Warning:
Masyadong effective magpawala ng gana kumain. Wag mo nang i-click.
Kung malakas ang loob mo at balak mong i-click, kumain ka na muna.

IMAGE NA PANG-DIET
(Seryoso, kumain ka na muna.)


Kung baket dapat piliin ng totoong lalake ang girlfriend kesa DOTA.

Ang DOTA isa lang ang "DO"...

Ang girlfriend may dalawang na "DO".


Sige magmalinis ka, kunyari hindi mo naintindihan.

Sarah Geronimo, kwela. Lani Misalucha, mas kwela.



Ang isang professional, praktisado pati palusot.


Tatak...tatok...tatak MgaEpal.com

Ano ang kabaliktaran ng bigote?.... ANO?


SMALLgote.

Matrip kang drayber ka.





"Para!........... Mama para, sa tabi lang.......... Boss sa tabi lang!.......... Para! Sa tabi lang! ............. Hoy! Bingi ka ba?!"



"Hinde! Ikaw, bulag ka ba? Hindi mo ba nababasa?!"



"E tarantado ka pala 'e! Pagti-tripan mo pako?! Baka gusto mong masaktan!"



""Akala mo natatakot ako sayo?!"
"Bumaba ka tara suntukan na lang?!! Itigil mo 'tong jeep!"


"Sige, pero... sigaw ka muna ng darna..."


"Kung pareho naman kayong marunong magtagalog ng kausap mo, baket kailangan nyo pang mag-english? Lalakasan nyo pa ang boses nyo para marinig ng iba, ano yan pasiklab? Pakiramdam nyo sikat na kayo pag nag-i-english kayo? Dapat ba magpa-autograph na ang mga nakakarinig ng pag-uusap nyo? Pangpacool ba yan? So cool na kayo nyan? Wow cooool." -MgaEpal.com

A right for equality.

May panglalake...

May pangbabae...

Pero baket walang pangbakla?


Para sa patas na karapatan lang, hindi ba panahon na para magkaroon ng sariling CR ang mga bading? Kawawa naman yung mga bakla na naiilang tuwing papasok sila sa public toilet. Kami dito sa MgaEpal.com ay kilala sa paminsan-minsan na hirit at punchline sa kabadingan, pero sa maniwala kayo o hindi, sinusuportahan namin ang pagkapantay-pantay na karapatan ng lahat. Hindi kami babanat ng ANTI-gay posts dito dahil hindi kami tulad ng mga extremist na moralista at ayaw naming maging ignorante. Kahit hiritan namin ang mga bagay na kabadingan, hangga't maaari sinusubukan naming maging pangkatuwaan at based on observation ang banat, na kahit ang mga bading na magbabasa ay hindi pepersonalin ang hirit. Naisip namin na dapat nga talaga magkaron ng sariling CR ang mga bakla dahil alam naman natin ang stereotypical na tingin at reaksyon ng mga lalake pag may bading sa CR, at mapapansin mo minsan na naiilang din ang mga bakla.

Hindi naman lahat ng bading ay nag-c-CR at tumatambay ng halos isang oras doon na kunyari naghuhugas ng kamay sa lababo pero nakatingin sayo sa salamin habang umiihi ka o kaya tatabi sayo para lang mamboso. Yung iba, gusto lang talagang umihi.


"Comfort room" ang tawag, hindi ba dapat comfortable lahat?

Team Work

Sa synchronize swimming, kapag nalunod yung isa, magpapalunod din ba yung iba?


Regine Velasquez, number 8 sa FHM Philippines 100 sexiest.

Ang sipag naman bomoto ni Ogie...

Serbisyo para sa mga misis...


Bili na ng kulungan para sa mister mong hayop, at sa kanyang titing bird.

Kung akala mo mahirap na tumawid dito sa Pilipinas... subukan mo sa Vietnam




"Credit Limit"

Kadalasan, ang unang pinasasalamatan ng mga nananalo ay si Lord...

"Unang-una, gusto ko pong pasalamatan ang Diyos, dahil kung wala sya, hindi ito mangyayare."

"I would like to thank God for this win!"

"Bago ang lahat, gusto ko po muna magpasalamat kay Lord."

"1st of all, thank you God for blessing me with the win."


Naisip ba nila na MINSAN, baka ayaw madamay ni God sa panalo nila??? Gugustuhin bang mapasalamatan ni Lord ng isang "actor" na nanalo ng award dahil lang mas sikat sya sa ibang nanominate? Gugustuhin bang mapasalamatan ni Lord ng mga singer na nananalo ng award galing sa sariling "recording company" nila? Gugustuhin bang mabanggit ni Lord sa pasasalamat ng Beauty Contest winner na nanalo dahil paramihan ng mabentang ticket ang labanan?


Kung magpapasalamat ka kay Lord sa panalong kaduda-duda, linawin mo lang.

"Thank you Lord dahil hindi sikat ang ibang nominees, kahit mas magaling silang umarte. Salamat po Lord dahil bobo ang judges."

"Lord, thanks for making me a recording artist in a recording company that gives out awards to their own talents. Salamat Lord sa mga walang kwentang awards na ganito."

"I would like to thank, 1st of all, God. Salamat sa Diyos dahil mas madami kaming kakilalang mayaman na bumili ng ticket para manalo ako dito sa "beauty contest" na ito."


Kung ang award mo ay galing sa palakasan ng koneksyon na may mga huradong alanganin humusga, o sa labanan na kayamanan at kasikatan ang magdidikta ng resulta, wag mo nang idamay si Lord.

"PUGA" (Attempt no. 2)

8:37 PM... Sa kubeta...

Gaston: Ano ready na kayo?

Brando: Oo, wala nang atrasan 'to...

Delfin: I was born ready.

Tonyo: Alam nyo, boy scout ako nung bata ako, kaya lagi akong handa. Naaalala ko nga noon nagcamping kami tapos...

Delfin: Oo na, putik magkukwento pa, sige na ikaw na ang pinaka ready na tao sa mundo!

Tonyo: Sungit naman nito.

Gaston: Tama na yan, malapit na mag 9:00PM. Alam nyo na ang gagawin ha. Pag dating nung jail guard susunggaban natin. Brando, hawakan mo agad yung dalawang kamay para hindi makabunot ng baril. Delfin, Takpan mo yung bibig para hindi sya makasigaw. Ako, paamuyin ko ng pampatulog para makuha natin ng tahimik yung susi ng rehas sa harap. Hangga't maaari, wag nyong sasaktan yung jail guard.

Tonyo: Teka. Pano ako? anong gagawin ko?

Gaston: Wala. Baka pumalpak na naman 'to dahil sayo. Tumabi ka lang jan at manahimik.

Brando: Malapit na mag 9:00PM magche-check na ng C.R. yung jail guard. Sige na, tago na tayo.


9:30PM...


Delfin: Ang tagal naman nun!

Gaston: Baka tinamad magcheck ng kubeta ngayon.

Tonyo: Baka nagcheck na, hindi lang natin napansin.

Brando: Gago ka ba? Apat tayo dito, panong walang makakapansin. Syempre pagpumasok yun... leche ayoko mag-explain sayo.

Tonyo: Baka lang naman...

Gaston: Antay pa tayo, baka na-late lang.


10:15PM...

Gaston: Tang*na ang tagal ah!

Brando: Sakit na ng binti ko dito, kanina pa tayo nakatago, namimitig na yung paa ko.

Delfin: Mabuti pa ganito, gumawa tayo ng setup para mapapunta yung jail guard dito sa CR.

Brando: Pano?

Gaston: Alam ko na. Si Tonyo wala namang gagawin diba? Tonyo, punta ka sa harap, kausapin mo yung jail guard. Mag-imbento ka ng kwento para mapapunta sya dito sa kubeta.

Tonyo: Anong sasabihin ko???

Brando: Ikaw na bahala. Basta yung siguradong pupunta sya dito.

Tonyo: Alam ko na... sige, sige, ako bahala. Punta na ako dun.


11:30PM...

Gaston: Bat' antagal nun?!  

Delfin: Oo nga! Kanina pa tayo dito, inaantok na nga ako.

Brando: Teka! Shhhh! May dumadating. Tago!

Tonyo: Ako 'to ako 'to... si Tonyo 'to, wag nyo ako sunggaban...

Delfin: O' ano na?! Asan yung jail guard???

Tonyo: Ayaw pumunta 'e...

Gaston: Diba sabi namin magimbento ka ng kwento na siguradong mapapapunta sya dito!

Tonyo: Yun nga e'! Sinabi ko na nga yung akala kong hindi nya matatanggihan na puntahan! Pero wala, hindi umubra! Hindi siguro nanunuod ng TV yung gagong yun!

Brando: Anong kinalaman ng TV???

Tonyo: Sabi ko may autograph signing dito sa CR ng mag-love team. E' kinanginang yan hindi nya kilala yung Kimerald! Tapos sinabi ko na ibang love team pala yung nandito sa CR, si Bea at John Lloyd, ayaw parin maniwala!

Delfin: Tarantado ka talaga!!! Sira ulo ka, talagang hindi maniniwala yun!   

Tonyo: Ahhh Oo nga 'no! Sorry! Ang tanga-tanga ko!... Shaina at John Lloyd na nga pala ngayon.

Gaston: Booyset! Retarded ka gago!




To be continued...

UAAP Season 73, July 10, 2010, begins.



The laser na mata of a Warrior.
The kumikislap na background of a Bulldog.
The umiilaw na sungay of a Tamaraw.
The nagpagpag ng alikabok na pakpak of an Eagle.
The kumikinang na maskara of a Maroon.
The contact lens of a Tiger.
The kidlat effect of a Falcon.
The umaapoy na pana of an Archer.

UAAP season 73
Simula na ng paingayan ng cheering squad.

It's Official, The "King" joins D-Wade and Bosh in Miami.

BEERy good

Sabi ng ilang mga researchers, ang health benefits ng pag-inom ng beer ay katulad din ng health benefits ng pag-inom ng wine. Lumalabas daw sa mga pag-aaral na ang mga babaeng umiinom ng isang bote ng beer at mga lalakeng umiinom ng hanggang dalawang bote ng beer araw-araw ay napapababa ang posibilidad na ma-stroke.

Kung hanggang dalawang bote lang naman daw ang iinumin araw-araw, ang posibilidad na ma-stroke ay bumababa ng hanggang 20% at 30% hanggang 40% na nagiging mas mababa ang posibilidad ng coronary heart disease kumpara sa taong hindi umiinom ng beer.


May isasagot ka na ngayon sa misis mo kung baket ka lumalaklak ng beer araw-araw.
Sagot namin kayo sa misis nyo hanggang sa pangalawang bote. Sa pangatlo, pang-apat, panglima, pang-anim at sa maga susunod pang bote, kanya-kanyang palusot na kayo jan.

Wonder Woman, nakikiuso. (Survey results)

Nung nakaraan sinabi namin sainyo na ginawan ng bagong costume si Wonder Woman (Basahin Dito)

Nag-iwan kami ng isang survey, at eto ang result.


Dahil dito sa survey na 'to, napag-alaman namin na mas madami ang lalakeng nagbabasa ng MgaEpal.com

Pussy na Cock...


Hermaphrodite.

Masyadong pinapalaki ang issue ng pag-dalaw daw ni KC Concepcion, kay Piolo Pascual sa set ng bagong teleserye nito.

Hindi naman daw totoo na binibisita ni KC si Piolo sa set dahil madalas naman daw silang magkita kapag sya ang dinadalaw ni Piolo sa set kung may show sya.


Dapat hindi na pinapalaki ang mga ganitong issue. Wala namang masama kung totoo man na dinadalaw ni KC si Piolo. Magkaibigan naman sila. Hindi naman bawal magkamustahan at magkwentuhan ang magkaibigan. Muka namang makabuluhan kausap si Piolo. Baka gusto lang ni KC makipag-girl talk.

"Girls just wanna have fun."

Fountain Of Youth

I-click ang fountain at gagawin ka naming bata.


Bang!


"Boyet, ayun yung holdaper! Putukan mo na!"

"Teka lang ser, wala nakong token..."

Pambasag hirit.

Tuwing may hihirit ng "Me ganon?"...

Sagutin mo lagi ng "Oo, meron."

Ang pinaka bobong hayop DAW

Alam mo ba na wala sa politics ang pinaka bobong hayop sa mundo? Oo, mahirap paniwalaan pero hindi isang politiko ang pinaka bobong hayop sa mundo. Isang ibon, ang pinaka bobong hayop na NABUHAY sa mundo. "Nabuhay" at hindi "buhay" dahil extinct na ang hayop na 'to. Ito ay ang Dodo Bird.

Skeletal remains ng Dodo Bird.

Ang dodo bird ay nabuhay sa island ng Mauritius. Sinasabing lumalaki yun ng hanggang 3 feet, at umaabot sa 40 pounds ang bigat. Unang natuklasan ang mga dodo bird noong 1581 at sinasabing naging extinct noong 1662. Sa loob ng higit-kumulang 80 years pagkatapos nito madiscover, naging extinct na ito. Ang reputasyon ng dodo bird bilang pinaka bobong hayop na nabuhay sa mundo ay nanggaling sa dahilan kung baket sila mabilis na naging extinct. Ang karne ng dodo bird ay hindi naman daw masyadong masarap kumpara sa ibang ibon, pero dahil laman tiyan parin yan, kinakain parin sila ng mga tao na naninirahan sa Mauritius at mga taong napapadaan sa isla sakay ng mga malalaking barko. Dahil sa ang dodo bird ay hindi nakakalipad, madali silang nahuhuli ng mga tao, pero ang ugat ng bobong reputasyon ng mga dodo bird ay dahil hindi sila tumatakbo palayo sa mga taong nanghuhuli sakanila, at minsan sila pa ang lumalapit sa mga tao.


Pinaniniwalaang itsura ng Dodo Bird.

Hindi lang siguro ito ang pinaka bobong hayop, ito na din siguro ang pinaka malaswa.
"DODO" na "BIRD' pa.


pictures hugot dito

Wala nang lumabas sa bibig mo kundi "O.M.G.! O.M.G.! O.M.F.G.!"...

...Sige na sosyal ka na, P.I.M.!

Ang kabaliktaran ng "pro" ay "con"...

Kaya ba kabaliktaran ng progress ang congress?

Ang tunay na kasiyahan ay hindi makukuha sa bulsa na puno ng pera...

...Ito ay makukuha sa puso na puno ng pagmamahal...

...sa isip na puno ng maliligayang ala-ala...

...at sa bibig na puno ng alak.

Si Cesar Montano na ang bagong host ng Wowowee! May Wowowee pa pala!

Pagkatapos ni Robin Padilla, si Cesar Montano naman ngayon. Susunud-sunurin ba nila na gawing host ang mga action star? Nung si Robin Padilla ang host, baket hindi ginawang "Robrobin". Ngayong si Cesar na ang host, papalitan na ba ang pangalan ng show ng "Bububoy"? Kukunin ba nila sa susunod si Bong Revilla Jr. para maging "Bobobong"? Ayaw ba nila kay Monsour del Rosario at gawing "Monmonsour"? Susubukan din ba nila si Joko Diaz para maging "Jojoko"? Gagawin din ba nilang host si Jinggoy at magiging "Jingjinggoy"? Kukunin din ba nila si Mikey Arroyo at gagawing "Mikemikey"? Baket ba naging action star si Mikey Arroyo?!!!!!

Wow... action star.


picture hugot dito

Isa sa Top 10 Most Viewed Videos on Youtube.



6 minutes... pwede nang pang-aerobics.

Kung sakaling may nagbabalak sa inyo na gumaya nito, i-send ang link ng Youtube video nyo ng "Evolution of dance" sa MgaEpal@gmail.com bago mag August, 2010.
Ipapakita namin dito sa MgaEpal.com ang lahat ng may lakas loob na gumaya nito.
Kung ayaw mo, edi wag.



Eto ang isa pang video na pinanganak dahil sa "Evolution of dance"




Mapanglait na damit.

Coconut... Coconut fruit or Coconut nut?

Madalas na panandaliang aliw ng mga Pilipino ngayon ang larong "Pinoy Henyo", na pinauso ng Eat Bulaga. Ilang beses na namin nakitang nilalaro ito kung saan-saan. May pagkakataon na nasaksihan ni "Kulturantado" na nilalaro ito ng mga barbero habang nagpapagupit sya. Nakita na din ni "Boss Chip na nilalaro ito ng isang grupo ng estudyante na nasa mall habang naglalakad.

Ang apat na authors ng MgaEpal.com ay madalas din maglaro ng "Pinoy Henyo". Bukod sa masarapna pangpalipas oras, nakakahasa din ng logical at strategical thinking ang larong ito.

Isang madaling araw, habang nakikipag-inuman si "Boss Chip" at nakikipaglaro ng "Pinoy Henyo" pinahulaan sakanya ang salitang "Buko Salad". Nahulaan nya na pagkain ito. Nahulaan nya na matamis, malamig, at dessert ito. Pero hindi nya nahulaan ang salita at naubos ang dalawang minuto. Tiningnan nya ang salitang nakasulat at mejo napakunot ang nuo nya.

"Hindi naman prutas 'to 'e!"

Nung tinanong ni "Boss Chip" kung "prutas ba to?", sinagot sya ng "Oo." dahil kadalasan naman talaga ay prutas ang tingin ng tao sa buko. Hindi naman nagreklamo si "Boss Chip" pero nung nagkita-kita ang mga authors ng MgaEpal.com naitanong nya, "Diba nut, yung buko?... Kaya cocoNUT." Hindi din sigurado ang ibang authors dahil hindi nila alamkung seryoso si "Boss Chip" nang-gagago lang. Simpleng bagay na nakakaintriga.

Kinunsulta si Google...

Ayon sa mga pilosopo na tulad ni "Boss Chip", nut ito dahil "coconut".

Ang sabi naman sa kanta ng Smokey Mountain:

The coconut nut is a giant nut
If you eat too much, you get very fat
Now, the coconut nut is a big, big nut
But its delicious nut is not a nut

It’s the coco fruit (it’s the coco fruit)
Of the coco tree (of the coco tree)
From the coco palm family

Pero ang scientific at tumpak na kasagutan ay SEED. Ang buko ay isang seed, pero tanggap parin na tawagin itong fruit... pero hindi talaga nut.

Batang may originality.

Teacher: Kids, anong gusto nyo maging, pag laki nyo?

Dino: Abogado po, para maipagtanggol ang naaapi at makatulong sa kapwa.

Jenny: Maging teacher po. Magtuturo ako sa public school para makatulong sa kapwa.

Paulo: Doctor po, para magamot ang may sakit at makatulong sa kapwa.

Reggie: Maging pulis po para mahuli ang masasamang tao at makatulong sa kapwa.

Nina: Maging nurse sa Red Cross, para po makatulong sa kapwa.

Leo: Maging presidente ng Pilipinas, maglilingkod po ako ng tapat para makatulong sa kapwa.

Emong: Gusto ko po maging kapwa...

Ang mga nahulihan ng "wang wang".

Pagkatapos idiklara ni President Noynoy Aquino na bawal gumamit ng "wang wang" ang public, /private cars, sundalo, pulis, at civilian, patuloy parin ang pag-gamit ng "wang wang" ng mga abusado.








Tigas talaga ng ulo...