Kung walang kryptonite, hindi pwedeng maging matapang si Superman.

Ganito kasi yan... Hindi ka pwedeng maging matapang kung indestructible ka. Kung alam mong hindi ka malalagay sa delikado, invincible ka lang. Kahit pa humarang ka sa tangke, kung alam mo naman na walang pwedeng mangyaring masama sayo, hindi katapangan yon. Pero halimbawa alam mong pwede kang mapahamak, pero ginawa mo parin ang isang bagay dahil kailangan, matapang ka. Kaya kung tutuusin, si Superman, nagiging tunay na matapang lang yan tuwing alam nyang may malapit na kryptonite at pwede syang matalo sa laban, pero sumusugod parin sya. Basta pag invincible ka, hindi ka pwedeng maging matapang. Parang ganito lang yan... Yung mga mister na panget na tapos banban pa dumiskarte sa chicks, hindi sila pwedeng maging faithful at loyal kahit hindi sila mambabae.

*Wag piliting intindihin kung hindi abot ng I.Q. mo. A friendly reminder from MgaEpal.com