Ang totoo nyan, wala kaming naramdaman na "kilig" mula pa nung naconfirm na si Mosley ang susunod na kakalabanin ni Manny. Umpisa pa lang alam na naming mismatch yan 'e. Alam din ng lahat yon. Walang kwentang himayin noon dahil kahit gano kadaming bagay ang ginawa ng mga promoters nila, wala talagang gaanong hype yung laban. Expected na mamaniin ni Pacquiao so Mosley, at yun naman ang nangyare.
Pero sa araw ng laban (kahapon), dun lumabas ang mga karapatdapat bigyan ng pansin.
Philippine National Anthem sang by Charice
Paris Hilton post fight Tweets
Pero sa araw ng laban (kahapon), dun lumabas ang mga karapatdapat bigyan ng pansin.
Philippine National Anthem sang by Charice
Safe (boring) ang "performance" ni Charice. Hindi nya kasalanan na wala masyadong impact ang pagkanta nya ng Lupang Hinirang. Masyado kasing madaming nakikiaalam noon tuwing ibang rendition ang ginagawang pagkanta nyan. Mga booyset na mga moralistang duwag sa pagbabago at nililimitahan ang kakayahan ng mga artist na kumakanta ng Philippine National Anthem.
Ang baba ng boses ni Charice compared sa boses nya sa iba nyang kanta. Syempre maganda parin yung boses nya. Kapunapuna lang na mas mababa talaga yung boses nya dyan. Nagbibinata na nga talaga si Charice. Oist! wag ka munang umapila. Biro lang yan. Segue lang yon para masabi namin na kitang-kita na nagdadalaga na si Charice. At mukang laking Bear Brand sya dahil nagiging kamuka na nya si Eugene Domingo.
Paris Hilton post fight Tweets
@ParisHilton: "Hanging out with @MannyPacquiao and his beautiful Jinkee. They are such a sweet & down to earth couple! Love them! :)"