Nagreklamo ang mga katulong ni Maricel Soriano dahil minumura daw sila at sinasaktan ng amo.


Sa side ng mga katulong, sinaktan, minura, at pinagbantaan pa daw silang barilin ni Maricel.
Ang kampo naman ni Maricel Soriano, sinasabing pinagnakawan daw sya.
poster hugot dito

Sa ngayon hindi pa nagsasalita si Maricel Soriano. Wala pang napapatunayan, pero sa lahat ng banggaan imposibleng walang may kasalanan. Mahirap pumanig kung base sa speculations lang dahil ang accusations ng magkabilang side ay parehong nangyayare sa iba. May mga amo na nang-aabuso/nananakit ng mga katulong nila, at may mga katulong din naman na malikot ang kamay. Pero kung totoo man na minaltrato ni Maricel ang mga katulong nya, matinding mantsa yan sa reputasyon ni "Diamond Star". 

Ang pagiging katulong ay trabaho na hindi nagiging 1st choice sa kahit sinong Pilipino. Sa dami ng mahirap sa atin, pagiging katulong ang bagsakan ng iba. Mas mahirap ang trabaho ng mga katulong kesa sa mga nag-o-opisina, pero malayo ang kababaan ng sweldo ng pagiging katulong kumpara sa ibang trabaho. Kawawa sila. Sa totoo lang, kawawa sila. 24 hours silang "on call", mula paglalaba hanggang pagluluto, at taga bili ng napkin ay ginagampanan nila. Kung gusto mong magkaron ng idea kung gano kahirap maging katulong, eto na lang ang isipin mo... Sa sobrang baba ng pasweldo sa mga katulong, kahit mga mahirap na pamilya nakakakuha ng katulong.

Para mas ma-appreciate mo ang mga katulong, eto ang listahan ng ilan sa mga ginagawa nila para sa atin:
  • Tagalaba
  • Tagaplantsa
  • Tagaluluto
  • Tagapedicure 
  • Tagalinis
  • Taga bantay ng bata
  • Taga bili ng kung ano-ano sa sari-sari store
  • Taga bantay ng sari-sari store
  • Tagalandi sa driver na may asawa
  • Tagachismis sa ibang katulong kung anong nangyayare sa pamilya nyo
  • Tagahugas ng plato
  • Taga-alaga ng aso
  • Tagatiris ng tigyawat mo sa likod
  • Tagabunot ng puting buhok
  • Tagalinis ng bahay
  • Tagakain ng tirang ulam pag tulog na kayo
  • Tagapulot ng malalagkit na tissue na nakakalat sa kwarto ng anak mo
  • Taganood ng porn dahil nakalimutan patayin ng anak mo yung dvd player
  • Taga kuha ng alak ni mister
  • Taga-demanda ng sexual abuse dahil nalasing si mister
Gusto naming kunin ang pagkakataon na 'to para paki-usapan ang lahat na tratuhin ng tama ang mga "kasama natin sa bahay" Hindi sila alipin, katulong sila. KATULONG: Taga tulong. Kikilos ka din, tutulong lang sila.