Ask The Authors: Quickfire Edition 3

Tanong galing kay AzTiE: Mas gumagwapo po ba, o pumapangit ang lalake pag meron siyang sideburns (patilya)?
MgaEpal.com: Usually hindi naman factor yan kung dadagdag ba sa kagwapuhan o pampapanget ng lalake. Mas nagmumuknag mature lang ang lalake pag may sideburns dahil bawal sa elementary ang mahabang patilya.  Kaya dipende sa taste ng babae yan kung trip nya ang mukang mature o hinde. Nagiging pangpapanget lang ang sideburns sa mga taong pa-cool na nagpapakalbo at tinitira ang patilya. Hindi yata nila alam na muka lang may bigote yung tenga nila.

Tanong galing kay Nathaniel: Bakit po may sadness?
MgaEpal.com: Para may maramdaman yung mga lalakeng pinagtitripan dahil sa pag-gamit nila ng salitang "sadness". Sana wag mo nang gamitin yang pachicks na salitang yan.

Tanong galing kay sich: May lasa po ba ang tubig?
MgaEpal.com: Meron. Kapareho ng lasa ng ice cubes. 

Tanong galing kay batang matanong: Ano pong magandang palusot kung bumagsak ako sa board exam namin bukas at sa makalawa? Talagang hindi ako nag-review at nag-enroll pa ako sa review center pero hindi ko naman pinasukan dahil boring at walang chicks. Salamat.
MgaEpal.com: Mukang malaking problema yan. Kailangang maging madiskarte ka sa palusot mo. Ganito na lang, sabihin mo sa magulang mo na sorry dahil hindi mo alam na tarantado ka pala.


Tanong galing kay dp19: Baket hindi maintindihan yung sulat ng mga doktor? Tapos mga taga botika lang ang nakakaintindi.
MgaEpal.com: Pasmado ang kamay ng mga doktor dahil naghuhugas sila agad ng kamay kahit pagod, para siguradong malinis ang kamay nila bago nila asikasuhin ang susunod na pasyente. Kaya pag nagsusulat sila, medyo nanginginig sila. Kaya naman mga taga botika lang ang nakakaintindi sa sulat nila, dahil pasmado ang mata ng mga taga botika.