Ask The Authors

Tanong galing kay Ren: 
Bakit po kapag may pasok gustong-gusto ng mga estudyante na sana  bakasyon na nila? Tapos kapag naman po bakasyon na, gustong-gusto naman nilang pumasok?

MgaEpal.com:
Hindi naman lagi. Madalas sa kalagitnaan na ng holiday o summer vacation nararamdaman ng mga studyante na gusto na nilang magkaron ng pasok ulit. Sa kalagitnaan kasi ng bakasyon madalas nauubusan ng pera ang mga studyante. Gusto lang nila makatanggap ng allowance ulit. Pero minsan, kaya din nila iniisip na sana may pasok na, dahil naaalala ng mga studyante yung mga masasayang katuwaan na kasama nila yung mga kaklase nila. Naaalala nila ang biruan, naaalala nila ang tuksuhan, naaalala nila lahat ng kalokohan. At kaya naman gustong magbakasyon ng mga studyante pag resume ng classes, dahil pag pasok nila, naaalala nila na may teacher.