Ask The Authors: Quickfire Edition 4

Tanong galing kay Hazel: Bakit mataba at may balbas si Santa Claus?
MgaEpal.com: Mataba si Santa dahil tuwing pasko lang sya nagtatrabaho. Yung mga elf nya ang pumapayat dahil buong taon sila gumagawa ng laruan. Nagpapatubo sya ng balbas para mapatunayang lalake sya at hindi na pagkamalang "Santa".

Tanong galing kay Bhudz: Bakit kung kailan akala mo ok na ang lahat, saka naman lalabas ang problema at guguluhin lahat ng plano. Pati natitirang pag-asa na pinanghahawakan mo mawawala?
MgaEpal.com: Dahil pag mas-ok ang lahat sayo, mas madaming naiinggit at pilit na iistorbohin ang kalmado mong buhay. Minsan naman nagkakataon lang na hindi mo kontrolado lahat ng nangyayare. Pero hindi posible na mawala ang pag-asang pinanghahawakan ng tao. Dahil sa utak nabubuo ang pag-asa. Hanggat kaya mong dumiskarte, may chance lagi na makabawi.

Tanong galing kay Ayan: Bakit parang wala na yatang bagong kanta na nanatiling sikat makalipas ang ilang buwan\taon?
MgaEpal.com: Dahil hindi pa kami naglalabas ng kanta.

Tanong galing kay Jhef: Ano ang magandang paraan para mapatalas ang memory?
MgaEpal.com: Tulad ng ginagawa sa lahat ng gustong patalasin, hinahasa din ang memory. Search mo sa google ang word association. Baka makatulong. Mas madali din matandaan ang mga bagay pag hindi ka stressed. "Free your mind... and the rest will follow."

Tanong galing kay Cyrus: Bakit tumitalaok ang manok pag umaga? Hindi ba puwedeng sa gabi?
MgaEpal.com: Tulog din sila pag gabi. Mahirap tumilaok nang tulog?

Tanong galing kay Paul: Ano po mangyayari sa Antibiotic kapag pinagsama sya ng isang Probiotic, gaya ng Yakult?
MgaEpal.com: Mamamatay ang mga lactobacilli shirota strain. Pero masasarapan ka parin sa Yakult.

Tanong galing kay Ninoy: ano kaya ang pwede kong gawing palusot kapag nakatulog ako sa jeep tapos tulo laway para hindi halata?
MgaEpal.com: Sabihin mong gising ka at sinadya mo yon.

Tanong galing kay Jen: Baket po kaya kinakabahan pa rin ako sa tuwing makikita ko ang dati kong nobyo?
MgaEpal.com: Kung hindi nagkaron ng proper closure, normal yon. Pero hindi ibig sabihin kailangan nyong gumawa ng hakbang para sa nararamdaman nyong kaba.

Tanong galing kay Akoni: Ano ibig sabihin ng "Mabilis pa sa alas-kwatro"? Bakit hindi nalang, mabilis pa sa alas dyes? Alas kwatro ba ng umaga yan o alas kwatro ng gabi?
MgaEpal.com: Una muna sa lahat, walang alas-kwatro ng gabi. Sa tanong mo naman, ang point lang nyan ay "maaga" nangyare o mangyayare ang isang bagay.. Sinasabing sa mga magsasaka at mangingisda nag-ugat ang linyang yan, dahil normal na gising nila ang alas-kwatro ng umaga, at ang mas mabilis sa normal ay tinatawag nilang mabilis pa sa gising nila.

Tanong galing kay Wahasik: Bakit po may mga taong nag se-set ng alarm sa umaga tapus pag nag alarm inde naman gumigising at pinapatay lang yung alarm.
MgaEpal.com: Ibig sabihin hindi nila naramdaman na importanta ang reason para gumising sila. Minsan, epekto lang ng hangover.

Tanong galing kay Kia: Totoo ba ang gayuma?
MgaEpal.com: Ang gayuma ay kahit anong bagay na ginagamit para magkagusto ang isang tao sa artificial o fake na paraan. Ginagamit yan para maka-peke at magmuka silang maganda sa mata ng taong gusto nilang paibigin. Kaya oo, totoo yan. Pero hindi gayuma ang tawag namin dyan. Ang tawag namin dyan... makeup.

Tanong galing kay Danilo: AAnong masasabi nyo sa balita na may anak na daw si Justin Beiber?
MgaEpal.com: Hindi namin alam kung totoo yan, pero sana maging mabuti syang nanay.

Tanong galing kay Abraham: Ano pinagkaiba ng pinggan sa plato?
Hindi nababanggit ng tama ang "pinggan" pag barado ang ilong mo.

Tanong galing kay Carina: Alam nyo ba kung bakit may mga taong nilalagyan ng laway ang daliri para mag lipat ng pages ng binabasa nilang libro o kahit sa pagbibilang lang ng pera?
MgaEpal.com: Para magkaron ng friction ang daliri at mapaghiwalay ang mga papel para malipat sa susunod na page ang binabasa, o mabilang nang tama ang pera. Pwede ding gusto lang nila makakain ng germs.


(Authors' cut)
Tanong galing kay Jashmere: Panu kayo namimili ng topic para sa pino-post nyo po?
MgaEpal.com: Nag-uugat sa kwentuhan. Minsan sa request ng mga basahero.

Tanong galing kay Pamela: San nyo binubuhos yung spare time nyo mga authors? Ano din yung favorite nyong chitserya?
MgaEpal.com: Chippy dahil madaling buksan. Binubuhos namin ang spare time namin sa pagkain ng Chippy.

Tanong galing kay Noel: Nababadtrip din ba kayo sa mga walang kwentang chain messages? bakit/bakit hindi?
MgaEpal.com: Pag naramdaman namin na chain message ang email o text, hindi namin tinatapos basahin. Yung mga naniniwala sa chin messages ay mga taong madaling mabuyo. Aksaya lang yan ng oras.

Tanong galing kay Rosielyn: Marunung ba kayong tumugtog ng musical instruments?
MgaEpal.com: Pwedeng marunong. Pwedeng hinde. Depende na yon sa makikinig.

Tanong galing kay Marlon: Kung mga pogi't gwapo kayo, maari nyo po bang ibahagi ang inyong sikreto?
MgaEpal.com: Uminom ng at least 10 glasses of water everyday. Matulog ng at least 6 hours a day. At magkaron ng gwapo at magandang parents.

Tanong galing kay Ejay: Ano ang technique na maituturo nyo sa mga aspiring ninja?
MgaEpal.com: Magbasa ng mga libro. Alamin ang mga nangyayare sa balita. Alamin ang mga dapat malaman. Ipaalam ang dapat ipaalam. Maki-alam sa dapat paki-alamanan. At magkaron ng gwapo at magandang parents.