Epal. Mas Epal.

Epal: Anong ginagawa mo dito?

Mas Epal: Uy, kanina pa kita hinihintay. Akala ko nandito ka lang sa bahay nyo 'e. San ka ba galing?

Epal: Kung makatanong ka para kang syota 'a. Wala Christmas party lang sa office. 

Mas Epal: Sabay-sabay mga Christmas party 'a.

Epal: Oo nga 'e. Teka, ano nga palang kailangan mo?

Mas Epal: Ah oo nga pala, may coat ka ba? 

Epal: Meron, baket? 

Mas Epal: Pahiram naman. Soli ko din bukas ng gabi.

Epal: Sige. Tara pasok muna tayo, hanapin ko lang. Kaso hindi ko alam kung malinis yon ha, matagal ko na kasing hindi ginagamit.

Mas Epal: Ayos lang.

Epal: Necktie meron ka na? Pwede din kita pahiramin kung gusto mo.

Mas Epal: Wag na necktie, hindi naman yata kailangan.

Epal: Tanga mas maganda kung may necktie, para formal na formal yung dating mo.

Mas Epal: Wag na. Hindi naman kailangan formal. 

Epal: Anong okasyon ba yung pupuntahan mo? Christmas party din?

Mas Epal: Wala, sa bahay lang. 

Epal: Sa bahay lang? Kailangan naka-coat pa? Mukang sosyal yung nagpa-party 'a.

Mas Epal: Gago, bahay namin. Walang party.

Epal: 'E anong gagawin mo sa coat?!

Mas Epal: May coat na kasi ako sa bahay, kaso isa lang. Magpipintura ako ng bubong bukas. 
'E nakasulat sa lata, "For best result, put on 2 coats." Kaya hiramin ko muna yung sayo. 

Epal: 'E sira ulo ka pala 'e!

Mas Epal: Wag ka mag-alala. Una ko namang isusuot yung coat mo, tapos ipapatong ko yung coat ko. Para hindi malagyan ng pintura yung sayo.

Epal: Aba 'e mukang kailangan mo ngang magsuot ng necktie.

Mas Epal: Baket?

Epal: Para mas madali kitang masakal.