May nahuling anim na South Koreans na nagpapatakbo ng dog fighting sa Pilipinas. Sa report, sinasabing pinapalabas online yung laban, at mga taga ibang bansa ang tumataya at nanonood.
Hindi namin alam kung baket may mga taong dinadamay ang nationality sa issue. Hindi isolated sa mga Koreans yan. Iba't-ibang lahi ang guilty sa operations ng dog fighting sa buong mundo. At kung walang tataya, hindi magpapatuloy ang katarantaduhan na yan. Rektahin na muna natin 'to; Put*ang ina ng lahat ng nagpapatakbo at tumataya sa dog fights.
Hindi namin alam kung baket magaan ang loob namin sa mga aso. Siguro dahil importanteng bagay sa amin ang loyalty. Iba magbigay ng loyalty ang aso. Sa totoo lang, mas nirerespeto pa namin ang mga aso kumpara SA IBANG TAO. Alagaan mo lang ng mabuti yan, sobrang mamahalin ka na ng aso mo. Minsan nga kahit hindi inaalagaan ng iba, mahal parin sila ng aso nila. Isusugal ng ibang aso ang kaligtasan nila para protektahan ang amo nila. Sa simpleng paraan, astig ang mga aso. Kaya para turuan silang maglaban, at magpatayan, sobrang laking kagaguhan nyan. Sabi daw ng isa sa mga nahuling dog fight organizers, hindi daw nya alam na illegal ang dog fighting sa Pilipinas. Put*ng ina ka pala 'e. Ano ngayon kung legal o illegal yan? Kung gawing legal sa mga tao ang fight to the death, magiging tama na ba yon?
6 months to 2 years lang pwedeng makulong yung mga dog fight organizers dahil hindi daw pwedeng isampa sa kanila ang kaso ng illegal gambling. Sa ibang bansa daw kasi ginawa ang pag-taya sa mga laban. 240 na aso ang nakuha sa mga dog fighting organizers na yon. 240 na aso na malamang hindi na maaampon at magkakaron ng ibang amo dahil sa history of violence nila at trained silang maging aggressive. 240 na aso yan na papatayin pagkatapos ng ilang buwan pag hindi sila na-ampon. Ang nakakagago pa, natutong makipaglaban sa ibang aso yang mga yan para pasayahin ang mga taong tinuring nila bilang amo. Sa totoo lang, mas may kwenta pa ang buhay ng kahit isa lang sa mga asong yan kumpara sa anim na buhay nung dog fighting organizers. Put*ng ina talaga.
