Delfin: Ba't tahimik ka?
Gaston: May iniisip lang.
Brando: Mukang malalim yang iniisip mo 'a. Ni hindi mo ginalaw yung pagkain mo 'e.
Gaston: Mamaya nako kakain.
Delfin: Tungkol san ba yang iniisip mo?
Gaston: Puga.
Brando: May bagong plano ka?
Gaston: Meron. Kaso kailangan mapaghandaan bago mag pasko.
Brando: Explain mo samin yung plano. Kung mas madaming mag-iisip, mas mapapabilis yung paghahanda.
Tonyo: Oo nga.
Delfin: Nakikisagot ka pa? Ang kapal naman ng muka mo.
Tonyo: Baket???
Delfin: Ang sabi ni Brando, kung mas madaming mag-iisip, mas mapapabilis yung paghahanda.
'E dun pa lang sa pag-iisip, hindi mo na kaya yon.
Tonyo: Grabe ka naman magsalita. Saktan mo na lang ako ng pisikal kesa ganyang sinasaktan mo yung feelings ko.
Delfin: Sige.
Brando: Ako din! Pwede ba kitang hampasin ng bote ng shampoo?
Gaston: Ako kahit suntok lang sa gums mo.
Tonyo: Sabi ko nga feelings na lang eh. Saktan nyo na lang yung feelings ko. Hindi naman ako sensitive 'e. Feelings na lang ha?
Delfin: 'E akala ko ba...
Tonyo: Gaston, ano na nga ba yung plano?
Brando: Hahaha! Iniiba mo yung usapan, tarantado ka.
Tonyo: Teka naiihi ako. Pagusapan nyo na yung plano, babalik ako, C.R. lang ako sandali.
Delfin: Mga palusot neto. Bilisan mo... So ano ba yung plano?
Gaston: Diba every year may Christmas party dito sa bilibid?
Brando: Oo.
Gaston: May talent show sa Christmas party diba?
Delfin: Oo. Ano ngayon?
Gaston: Sasali tayo sa talent show.
Brando: Sasayaw tayo? Kakanta??? Gago ka ba?!
Delfin: Ayoko! Tang*na nakakahiya.
Gaston: Gago sasali lang tayo, pero hindi tayo magpe-perform.
Brando: Ha?
Gaston: Eto kasi yung plano... Lalagariin natin yung rehas sa bintana ng selda, gamit yung kwerdas ng gitara. Dati may gitara ako, kaso kinuha ni warden. Parusa daw dahil nahuli tayong tumatakas noon.
Delfin: 'E san tayo kukuha ng gitara?
Gaston: Yon ang isa sa dahilan kung baket tayo sasali sa talent show. Para bigyan tayo ng gitara. Kunyare kakata tayo.
Brando: Isa sa dahilan? Ano yung ibang dahilan???
Gaston: Para maiwan tayo sa selda habang nasa labas yung ibang inmates at jail guards. Lahat ng kakanta at sasayaw sa Christmas party, naiiwan muna sa mga selda para makapaghanda.
Delfin: Edi hingiin na natin yung gitara ngayon. Sabihin natin magpa-practice pa tayo. Tapos lagariin na natin yung mga rehas.
Gaston: Maingay lagariin yung rehas ng bintana, kaya isasabay natin sa ingay ng Christmas party yung paglagare. Pag nag-umpisa yung performance ng iba sa talent show, magsisimula na din tayo maglagare. Naintindihan nyo na? May tanong pa ba kayo?
Brando: Ako wala. Simple lang naman yung plano
Delfin: Oo simple, kaso kailangan ng matinding timing... Bahala na.
Tonyo: Ang haba ng pila sa C.R... Ano na yung plano?
Delfin: Sasali tayo sa talent show.
Tonyo: Ha???
8:17PM... December 24... Christmas party ng bilibid.
Delfin: Oist, ready na kayo?
Gaston: Ayos na. Nasa loob ng unan ko yung mga kwerdas. Tinanggal ko na sa gitara para mas mabilis tayong makakilos mamaya.
Delfin: Nasan si Brando?
Tonyo: Tonyo: Lumabas sandali. Titingnan yung lineup ng talent show.
Brando: Badtrip!
Gaston: Baket?
Brando: Pangalawa tayong magpe-perform! Kukulangin tayo sa oras.
Tonyo: Nako delikado! Hindi tayo nagpractice ng kanta!
Gaston: At least 15 minuts ang kailangan natin sa bawat rehas.
Tonyo: Hindi ba tayo magpa-practice?
Delfin: Apat sa rehas lang ang maalis kasya na tayo sa bintana. Sana kahit man lang pang-lima tayo sa performers.
Tonyo: Dapat magpractice na tayo, kahit isang kanta lang.
Gaston: May naisip ako... Tonyo...
Tonyo: Baket?
Gaston: May isang jail guard sa may pinto diba? Puntahan mo, magpanggap kang may sakit ka. Sabihin mo na kailangan mong pumunta sa clinic, kaya request sana natin na gawin na lang tayong last performers sa talent show.
Delfin: 'O kaya kahit pang-lima o anim na performers lang. Kunyare hihingi ka lang ng gamot sa clinic at magpapahinga sandali. Bilisan mo!
Tonyo: Ok.
9:08PM...
Brando: Naririnig ko na yung unang performers. Nagsisimula na yung talent show.
Delfin: Simulan na ba natin maglagare?
Gaston: Hindi pwede. Pag kinulang tayo sa oras, tapos magkaron ng inspection, yari tayo pag nakitang may lamat yung bakal nyan. Kailangan makasigurado tayong may oras tayo. Tang*na asan na ba si Tonyo?
Brando: Teka silipin ko nga... Gago nandun parin sa may pintuan si Tonyo!
Gaston: Ha?! Anong ginagawa?
Brando: Wala. Nakatayo lang.
Gaston: Ba't hindi sya lumabas???
Brando: Mukang naka-lock yung rehas palabas don.
Delfin: Tawagin mo si Tonyo!
Brando: Psst!...
Delfin: Narinig ka ba?
Brando: Oo, pabalik na sya dito, malapit na.
Gaston: 'O ano na? Ba't nakatayo ka lang don? Anong sabi nung jail guard? Galing ka na ba sa clinic? Pang ilan na tayo sa performers?
Tonyo: Wala, hindi ko pa nagagawa yung plano. Tinawag ako ni Brando 'e.
Brando: Nakatayo ka lang don 'e!
Tonyo: Naka-lock yung rehas! Hinihintay kong tumingin yung jail guard!
Delfin: 'E ba't hindi mo tawagin?!
Tonyo: Hinihintay ko nga lang tumingin sakin yung jail guard! Maingay yung performance sa talent show, hindi nya naririnig yung sitsit ko.
Gaston: Ba't nga hindi mo tinawag? Dapat sinigawan mo na.
Tonyo: 'Akala ko ba kunyare may sakit ako?
Gaston: Oo nga. 'E ba't hindi mo kinausap yung jail guard?!
Tonyo: Kunyare may sore throat ako 'e! Mahirap magsalita pag may sore throat!
Delfin: Ha??? Madami namang ibang... baket mo... hindi mo ba naisip....... Sore throat? Gago ka ba?!!! Baket ba ang hilig mo sa mga sakit na may sore?!!
Brando: Shhh... Makinig kayo... Tumahimik sa labas.
"For our next performance, a song from Delfin, Brando, Tonyo, and Gaston."
Jail Guard: Oist, kayo na. Labas na don.
Brando: Anong gagawin natin???
Tonyo: Sabi ko naman kasi sa inyo, dapat nagpractice tayo kanina.
Delfin: Gago! Kung hindi dahil sayo...
Jail Guard: Huy! Ano ba? Bilisan nyo, madaming bisita si warden na nanonood. Wag nyo nang paghintayin.
Gaston: Tang*na bahala na. Tara.
Pag dating sa stage...
Tonyo: Anong kakantahin natin?
Delfin: Kahit ano. Yung maiksi lang, para sandali lang tayo mukang tanga dito.
Brando: Bahala na. Umpisahan mo Gaston, susunod kami.
Gaston: Puta*ng ina...
Brando: Baket?
Gaston: Nasa unan ko yung mga kwerdas ng gitara.
Delfin: Tonyo...
Tonyo: Baket?
Delfin: Sasaktan ko yung feelings mo mamaya ha.
Tonyo: Sige ok lang. Basta feelings lang ha. Sabi ko naman sa inyo, hindi ako sensitive.
Delfin: Sasaktan ko yung feelings ng itlog mo gago ka.