Takot na bata VS DUWAG na mga pasiga.


Sabi sa background story ng video, mandurukot o snatcher yung bata. 'E ano ngayon? Gago kung gago, pero bata parin yan. Ikulong o ibigay sa social workers, tang*na wag nang saktan. Kung papansinin sa video, makikitang parehong lalake ang nananakit sa bata. May mga lalake kasi minsan na gustong ipakita ang brusko nila sa pamamagitan ng pisikal na pananakit sa iba. Kalokohan yan, pero sa bata mo gagawin? Kalokohan na, kaduwagan pa. Simpleng palo, o kahit mild na kutos, sige ayos lang kung gusto mo lang takutin yung bata. Kaso para apakan yung kamay? Kagaguhan. Hindi din inosente ang mga nanonood lang sa ginagawa sa bata. Minsa kailangan lang may sumita para kahit papano magdalawang isip yung mga nagpapakasiga na ituloy yung ginagawa nila. Masyado nang madaming ganitong kwento at video na kumakalat. Kung ganito na talaga ang mga tao, sa 2012, tang*na magunaw na nga sana ang mundo. Wala tayong kwenta.

tinapon ni palus sa Tip Box