Ask The Authors: Misunderstood understanding

Tanong galing kay jhel: Pano ba mag tagal sa isang love? Ang hirap kase, ako 'tong lalake pero ako lagi yung umiintindi sa girlfriend ko.

MgaEpal.com: Kung LAGI mong iniintindi yung girlfriend mo, tatagal na ang pagmamahal nyan. Kaso one sided nga lang. Pagmamahal nya lang sayo ang tatagal dahil dadating ang point na mauubusan ka ng pang-gatong. Mawawalan ka ng gana. O kaya mapagod ka sa kakaintindi sa kanya. Matuto magreklamo kung may dapat ireklamo. Pag-usapan nyo. Pero wag antayin na magkaron ng issue o tampuhan bago pag-usapan. Mag set ka ng simpleng date kung saan pwede mo syang kausapin ng MAAYOS. 

Isang bagay pa para magtagal yang "love" na sinasabi mo; Tigilan mo ang mentality na ang babae ang dapat MAS umintindi. Sa tanong mo, hinirit mo na "Ako 'tong lalake, pero ako lagi ang umiintindi." Baket, feeling mo katungkulan ng babae ang mas umintindi? Kung tatanggapin natin na equal natin ang isang tao, don papasok ang tunay na understanding. Don mapapakita ang respeto, at mas malaki ang chance na maibalik din sa atin ang understanding. Ituloy mo lang na intindihin yung gilfriend mo, pero para intindihin ka din nya, intindihin mo muna 'tong pinagsasasabi namin. Good luck kid.