Tanong galing kay Macey:
May business week po kasi kami. Bale magbebenta kami ng mga meryenda sa school. Pinapapili po kami ng ibebenta; waffle, cake pops, fried oreos or bread w/ toppings. Ngayon po, yung classmate naman po namin gusto ibenta yung waffle. Sabi naman po namin sa kanya, hindi naman appealing sa mga bata, kaya ang sabi namin oreo na lang or bread w/ toppings. Ngayon po, yung classmate ko pong ito nagpaparinig po sa amin lahat. Hindi raw po namin nirerespeto yung opinyon niya, at tinatawag niya po lahat kami na b*tch at f*ck. Eh nung hinihingi namin yung suggestion nya or opinyon, di naman siya nagsasalita. Tapos nagpaparinig pa siya sa facebook. Kinausap na po namin siya pero lagi siyang hindi nagsasalita. Anu po ba ang pwedeng gawin sa mga taong ito? Anu po ba ang opinyon o maipapayo niyo sa mga ganitong siwasyon? Maraming Salamat po.
MgaEpal.com:
Masyadong laspag na ang linyang "irespeto ang opinyon". Oo, totoong dapat irespeto ang opinyon ng bawat isa dahil sariling pananaw lang naman ang basehan ng mga yan. Kaso walang karapatan mag-demand ng respeto para sa opinyon nya ang taong hindi marunong rumespeto sa opinyon ng iba. Sa mga sitwasyon na madaming iba-ibang opinyon ang umiiksena isa lang ang solusyon dyan... botohan. Kung alam ng lahat na susundin ang desisyon ng mas madami, mas malaki ang posibilidad na walang aapila. Pero bago magbotohan, ilabas muna ng bawat isa ang argument ng dahilan para sa gusto nilang iboto. Para maging malinaw sa lahat kung ano ang mga pro at con ng bawat choices. Kung kaibigan nyo yung taong nagtampo sa inyo, subukan nyong kausapin ulit. Simulan nyo sa pagsasabi na kung pakiramdam nya hindi sya nirespeto, hindi nyo sinasadya yon. Ipaliwanag nyo sa paraan na hindi maiinsulto ang "opinyon" nya kung baket iba ang opinyon nyo. Itanong nyo din sa kanya kung baket malakas ang paninindigan nya sa choice nya na magbenta ng waffle, dahil baka may maganda at sensible syang paliwanag. Pero kung ang dahilan lang nya, 'e dahil mahilig sya sa waffle, o pag sinagot kayo ng "Basta, wala lang." paki saluduhan na lang sya ng gitnang daliri nyo. Mahirap ma-penetrate ng reasoning ang utak ng tao na ang tanging bagay na mas mataas sa pride nya ay ang taas ng tingin nya sa sarili nya.
