Epal: Libre ka naman ng soft drinks.
Mas Epal: Lagi kitang nililibre last year. 2012 na, ako naman ilibre mo.
Epal: Ang kapal naman ng muka mo. Yung last year hindi yun mga libre mo. Mga talo mo sa pustahan yon, gago.
Mas Epal: Kahit na. Ako bumibili pag natatalo ako, kaya technically, nilibre kita non.
Epal: Abnoy, hindi libre ang tawag don. Bayad yon! Dali na libre mo nako. Soft drinks lang.
Mas Epal: Ganito na lang. Pustahan ulit tayo. Feeling ko swerte ako ngayong taon 'e.
Epal: Game. Anong pustahan?
Mas Epal: Ahh... Kailangan makuha natin ang cellphone number ng unang dalawang babae na dadaan dito.
Epal: Hayop naman! Feeling mo lamang ka sakin don? Hahaha!
Mas Epal: Sus! Tingnana na lang natin.
Epal: Teka, una nako. Type ko tong dadaan... Ah excuse me, miss...
Miss 1: Yes?
Epal: Hulaan ko... Single ka 'no?
Miss 1: Pano mo nalaman???
Epal: Yung ganyang tipo mo kasi yung nakaka-intimidate ligawan. Naglakas loob nga lang akong kausapin ka. Pwede bang makuha yung number mo?
Miss 1: Haha, dahil malakas ang loob mong maging corny, sure, akin na yung phone mo, ako na mag-save ng number ko.
Epal: Uy, thank you. Text kita ha. Salamat ulit.
Miss 1:Sige, bye.
Epal: 'O ano? Panis! Libre mo nako ng soft drinks!
Mas Epal: Teka, hindi ka pa panalo. Ako pa. Pag nagawa ko din yon, quits lang tayo.
Epal: 'O Bilisan mo, para magkaalaman na.
Mas Epal: Eto may dadaan... Excuse me, miss...
Miss 2: Ano yon?
Epal: Hulaan ko... Single ka 'no?
Miss 2: Wow! Pano mo nalaman???
Mas Epal: Panget ka kasi. Pwede ba makuha number mo?
Miss 2: ...F*ck you.
