Mayweather, nagselos...

Tumahol na naman si Floyd Mayweather Jr. ng hamon para kay Pacquiao. Hindi ginawa yan ni Mayweather sa interview. Hindi rin as an official press release. Sinigaw ng malakas ni Mayweather ang hamon sa paboritong battlefield ng mga celebrity... sa Twitter.

"Manny Pacquiao I'm calling you out let's fight May 5th and give the world what they want to see" -Mayweather

Nung si Manny ang humahamon sa kanya, madaming syang palusot. Ngayon na may iba nang mga pinagpipilian ang kampo ni Pacquaio, umiiksena na naman si Floyd. Noon pa namin pinaghihinalaan na crush ni Mayweather si Pacquiao, pero hindi namin inasahan na kailangan pa palang manlandi ng ibang boksingero ang promoters ni Manny para lang si Mayweather naman ang maghabol. Seloso pala si gago.


Sa susunod na natin himayin ang pwedeng kalabasan ng magiging laban nila dahil malabo ang tinatakbo ng lahat ng past negotiations nila. Magmumuka lang tayong nagkukwentuhan tungkol sa mga unicorn, dahil sa ngayon, mythical situation ang matuloy yang suntukan na yan. Masyadong maraming drama si Floyd sa katawan kaya hindi papalg yan hangga't hindi sya sigurado na sya ang mananalo. Pero kung iisipin, aba 'e baka pwedeng matuloy nga yang paghaharap nila sa May 5. Baket? Eto... Sa huling laban ni Manny, hindi ganon kaganda ang napakita nyang performance. At dahil don, baka nakaramdam ng kompyansa si Floyd na kaya nyang pataobin si Pacquiao. Alam naman ng lahat na ang pinaka talent ni Mayweather ay diskartehan ang mga bagay, maghintay ng tamang pagkakataon, at pumalag lang pag pabor na sa kanya ang sitwasyon.

Kung sakaling magkaron ng himala galing sa mga anito ng boxing at matuloy na nga yang Pacquiao-Mayweather bout na yan, sana lang ma-counter ng team Pacquiao lahat ng diskarteng ibabato nila Floyd Mayweather Jr. sa loob at labas ng ring  Kung ano man ang maging resulta ng laban, paniguradoung magkakaron ng rematch yan. Kung ano mang issue ang pausuhin ni Mayweather para hindi matuloy ang laban, dapat malusutan ni Manny. At kung ano man ang dahilan ni Mayweather sa paghamon nya ngayon kay Manny, gago parin sya.