MgaEpal.com REACTIVITY "

Nung nakaraan, binagsak namin para sa mga basahero ang "reactivity" na 'to...


‎1. Anong pangaral, paalala, o payo ang pinaka tumatak sa utak nyo? 
2. Kanino ito galing?(nanay, tatay, teacher, kabarkada, etc.)
3. Anong pangalan (first name) ng taong nagbigay ng pangaral, paalala, o payo na yon sa inyo?
4. Baket tumatak sa utak nyo yon?
5. Ano ang naging epekto non sa buhay nyo?

Pwedeng sagutin in english or tagalog. Pipili kami ng limang pinaka astig na sagot para maibahagi sa iba at mabigyan ng recognition ang taong nagpayo sa inyo.
(To be posted at MgaEpal.com)



Sinabi naming lima ang pipiliin para ibalandra dito sa MgaEpal.com. Kaso nung tiningnan na namin yung mga sagot, mukang mas madami sa lima ang karapat-dapat mabigyan ng recognition. Iba-ibang topic ang kinapitan. Iba't ibang interpretation, at madami ang mukang pakikinabangan ng mas madami pang tao. Kaya para hindi masayang ang potensyal ng mga yon, bigyan natin ng sariling buhay 'to. Once in a while, may mga isusundot kaming pabasa tungkol sa mga napili naming mga sagot. Hindi lahat, pero paniguradong higit sa lima. Tawagin na lang natin 'tong "Boses ng Basahero".


Eto ang patikim...


Boses ng Basahero 1

Sa totoo lang, nung sinimulan naming basahin 'to, mukang walang patutunguhan yung sagot. Habang tinutuloy namin ang pagbabasa, unti-unting nagkakaron ng sense. At sa dulo, nabigyan nya ng magandang personal na interpretation ang payo.

‎1. Anong pangaral, paalala, o payo ang pinaka tumatak sa utak nyo? 

Kapag maghuhugas ng pinagkainan unahin muna yung konti ang sebo o yung hindi gaanong nagamit. Una baso, kutsara't tinidor, platito, pinggan o plato, bago kaldero. At hindi kailangan sabunan muna lahat bago banlawan, pwedeng mga baso muna tapos banlawan mo agad pagnasabunan para hindi nagsisiksikan sa lababo.

2. Kanino ito galing?(nanay, tatay, teacher, kabarkada, etc.) 

Tatay

3. Anong pangalan (first name) ng taong nagbigay ng pangaral, paalala, o payo na yon sa inyo?

Rogelio

4. Baket tumatak sa utak nyo yon? 

Kasi nung hindi pa niya tinuturo yon madalas 'e nakakabasag ako ng pinagkainan o pinaginuman, at kung minsan 'e hindi maayos ang pagkakahugas. 

5. Ano ang naging epekto non sa buhay nyo?

Malaki ang naging epekto nito sa buhay ko, parang sa pagdedesisyon kelangan meron prayoridad ang mga bagay at hindi padalos-dalos. Siguraduhin na maayos ang mga hakbangin para hindi na kelangan balikan ang pagkakamali at magsilbing aral na lang ito at magpatuloy sa lakbayin.

Boses ni Jerome Frio