MgaEpal.com REACTIVITY

Nung nakaraan, pinutok namin sa MgaEpal.com Facebook Page ang tanong na 'to...
"Kung bibigyan ka ng pagkakataon maging invisible sa loob ng dalawang oras, ano ang gagawin mo habang invisible ka?"

Eto ang ilan sa mga iniwan na sagot...

Magpapanggap na multo at yayakapin ang mga taong pinagnasahan ko yakapin noon -Royce


Magnanakaw ako ng ferrari tapos sasagasaan ko si PNoy, chopper tapos iccrash ko sa mga Arroyo at higit sa lahat, 1 hr and 45 mins kong bobosohan si Solenn Heusaff. -Rye


Pupunta ng senate hearing, pagsasampalin ko sila lahat. -Akoni


Yung 10 minutes ipangnanakaw ko ng pera sa bangko tapos yung natitirang 1:50 igugugol ko sa pamboboso ng mga naggagandahang chiks. pwede na yun. -Tyler


Vivideohan ko po yung mga crush ko habang naliligo -Arnie

May mga mang-chachansing, may magnanakaw, may mga mamboboso. Yung mga babae, karamihan may kinalaman sa "crush" ang gagawing trip. Mangyayakap o magpaparinig lang, at may mga manghihipo din. Yung mga lalake, nasa kamanyakan ang tinahak na patern. May iba din naman na may balak mag-kawang gawa at tumulong... bago maging manyak.

Sa "reactivity" na 'to, napansin namin na lahat ng tao ay merong tendency maging pilyo/gago kung sigurado silang hindi sila mahuhuli. Kaya kung may mga taong magkakaron ng kakayahan maging invisible, sobrang daming tao ang mananakawan at maloloko. Teka... akala ba ng mga politiko invisible sila?