sketches provided by Aldz Sanchez
January 1, 2010 nung sinimulan namin 'tong trip na 'to. Dalawang taon na kaming nanggugulo, at ngayong araw na 'to ang simula ng pangatlong 365 days ng MgaEpal.com. Sinimulan naming igapang at sa dalawang taon na lumipas kumakaripas na kami ng gapang ngayon. Bakit hindi kumakaripas ng takbo? Dahil madali ang takbo kung ikukumpara sa gapang. Mas may effort ang gapang kesa takbo. At dahil may iba kaming plano sa gagawing takbo ng MgaEpal.com. Sa ngayon, may higit-kumulang 200,000 na basahero ang napapadalaw every month dito, at umabot na sa 60,000 ang napilitang mag-like sa lumang Facebook page noon. Hindi namin alam kung ano mismo ang napapala ng mga tao sa pamboboso sa mga pabasa dito, pero pinapangako namin na patuloy kaming magpapanggap na may silbi kami sa inyo.
created by Sep Garcia for MgaEpal.com
Masarap magpasalamat pag nakakatanggap ka ng award. Kaya para mas maging malinamnam ang pasasalamat na gagawin namin ngayon, bibigyan namin ng award ang sarili namin. The award for "Best MgaEpal.com website" goes to... MgaEpal.com!
Salamat sa lahat ng mga nagpapalaki ng ulo namin. Una, thank you sa tumulong magsindi ng site na 'to mula sa pag-design hanggang sa maintenance. Salamat kay Sep Garcia sa sobrang astig na shirt design nya para sa exclusive MgaEpal.com shirt nung nagsisimula pa lang kami. May utang pa kami sa kanya, at hindi namin makakalimutan ang pabor na nagawa nya para sa amin. Salamat kay Mo Twister, dahil sya ang pinaka-unang pumayag magkaron ng "SABAT" interview dito. Kahit hindi natuloy dahil gusto nyang in person ang interview, na-appreciate parin namin yung thought na handa syang paunlakan ang request namin noon. Isa yon sa mga bagay na nagbigay sa amin ng deliryo na kaya naming ituloy ang trip na 'to. Salamat kay miss Ruby Rodriguez sa "SABAT" interview nya. Masaya kami na sya ang pinaka unang naki-SABAT dahil hindi ganon kadalas na makita ng mga tao ang side ng personality nya na napakita nya sa interview na ginawa namin. Salamat din sa iba pang naki-SABAT tulad ni Sarita Carreon na nagbigay ng nakakapa-moonwalk na mga sagot. Kay Ashley Rivera a.k.a. Petra Mahalimuyak na nag-iwan ng aliw para sa mga basahero namin. At kay Diego Bandido ng Yes! FM na nagbigay linaw sa ilang malabong issue, at nagpalabo sa ibang malinaw na bagay. Salamat din sa mga bloggers na nag-follow at nagbigay ng espasyo ng link namin sa "internet property" nila. Special mention ang dynamic duo na si Glentot at Jepoy na nagpahiram sa amin noon ng mga image nila para sa side-trip namin. At si Stewart ng "So What's News?" sa pagpapahiram nya ng suporta nitong nakaraan lang. Sobrang salamat kay Aldz Sanchez sa mga ginagawa nyang mababangis na sketches ng authors. At syempre salamat sa mga taong nagtayo at bumubuo ng sarili nilang MgaEpal.com group. Feeling namin artista kami dahil para kayong fan club. Apir.
2012 na. Sinabi naming kumakaripas kami ng gapang. Panahon na para sabayan namin ng malupet na tambling, at malayong flying kick ang trip na 'to.
On the 19th of November, 2011, MgaEpal.com was hacked. All the posts were stolen and posted on a different site. Email accounts were compromised. The site's Facebook page that had more than 61,000 likes at the time was also nabbed. The incident burned MgaEpal.com and brought it under the ground.
Injured but still in fighting form, the authors wasn't going to let MgaEpal.com stay down . The site might have been hacked, but their minds can never be crippled. One by one, they resolved each concerns. Each email account was recovered. Posts from the past were reloaded. A new Facebook page was created. And the domain name was redirected to the authentic site. It was a set back, but nothing to cause too much alarm. With help from friends and a much appreciated support from loyal readers, MgaEpal.com was risen from beneath the ground.
sketches provided by Aldz Sanchez