"The shows must go on."

Tinibag na ang "Happy Yipee Yehey", tapos ngayon naman, kumakalat sa mga terminal ng tricycle ang chismis na mawawala na din ang "Showtime". Ayon sa nakausap naming tricycle driver na kumakain ng fried shomai, teleserye daw ang isa sa ipapalabas sa dating time slot ng "Showtime". Kung pag-uugnayin lahat ng elements na yan, malaking posibilidad na hindi mawawala ang "Showtime", kundi baka itapat sa oras ng "Eat Bulaga". Mula nung lumipat si Willie Revillame sa ABC 5, matagal-tagal na din walang seryosong threat sa ratings ng "Eat Bulaga". Malakas din ang hatak sa viewers ng "Showtime" kaya sensible nga naman kung sila ang gawing pamato sa labanan ng noontime shows.

image hugot dito

May mga scenario na pwedeng maglaro sa lahat ng yan. Kung pumatok yung pananghaliang teleserye na ilalabas ng ABS-CBN, pwede nilang i-extend ang oras non, o sundan yon ng isa pang teleserye at yun na ang mga isasabay nila sa "Eat Bulaga". Sabay lipat naman ng "Showtime" sa oras na kasabay ng "Wil Time Bigtime". Sa ngayon, mga balita ang kasabayan ni Willie sa time slot nya. Nahahati ang news-watching viewers sa ABS-CBN at GMA, habang solo ng ABC ang mga viewers na hindi trip manood ng balita sa mga oras na yon. Malaking market ang nakukuha ng "Wil Time Bigtime", kaya kung sakali ngang itapat don ang "Showtime", at parehong audience ang targetin nila, mukang may palag ang "Showtime" dyan.

image hugot dito, dito

image hugot dito, dito

Kung ano man ang magng end result sa mga sitwasyon na yan, ang sigurado dyan ay hindi pa mawawala ang "Showtime" dahil sa kahit anong time slot, muka namang makakasabay sila. Kung sa  "Wil Time Bigtime"  (labanan ng palabas na may salitang "time".) sila itapat, makakalaban nila si Willie na medyo may tampo pa sa ABS-CBN. At kung si Willie at Vice ang magpaparinigan, mukang magiging interesting panoorin yan. Kung sa "Eat Bulaga" naman sila isasabay, makakadiskarte ang "Showtime" pero malaking challenge yan dahil beteranong noontime show ang ka-duwelo nila. Interesting din panoorin yan dahil "family feud" ang mangyayare. "Eat Bulaga" family kontra "Showtime" family. Kung gusto talagang hawakan ng "Showtime" ang title bilang pambansang palabas sa tanghali, pwede din nilang palitan ang pangalan ng show...
"Your noon. Your time... It's NOONTIME."