Mahirap durugin ang corruption dahil team work yan. Hindi lang isang tao ang nasa likod ng bawat "scam" o "raket" sa gobyerno. Pag sa tingin natin may mapaparusahan na, biglang magkakaron ng kakampi yung akusado at pipigilang pasingawin lahat ng baho nya. Baket? Dahil pag bumagsak sya, sasabit din ang pangalan ng iba. Pag sumabit ang pangalan ng iba, may iba pang nakasukbit na pangalan na konektado naman sa ibang kalokohan nila. Kung dadating man ang panahon na ma-control ang corruption sa Pilipinas, yun ay kung magiging mas astig ang team work ng mga magbabantay.
Side Note:
Payo lang sa mga kurakot; Para hindi kayo mabisto, wag na kayong bumili ng mamahaling property,
alahas, o kotse dahil pag nakita yan ng iba, paghihinalaan kayo. Wag nyo na rin ilagay sa banko ang ninanakaw nyo dahil lalabas yan sa records. Gastusin nyo na lang yan sa pagkain, gaya ng pork chop, bulalo, at chicharong bulaklak. Pwede ding gastusin nyo na lang sa bisyo, tulad ng yosi, at alak. O kaya maging adik na lang kayo at magpakalulong sa droga. Hindi na magkakaron ng records ang gastos nyo, iiksi pa ang buhay nyo. Edi masaya tayong lahat.