Universe Cities... Universities.

Nung nakaraan, naging issue ang mga paninirang statement ng isang admin ng UNOFFICIAL UPCAT facebook page, sa entrance exams ng UST.

“Lumabas na pala ang results ng USTET, walang thrill kasi madali lang naman nun. Last week pa ng February ang results ng UPCAT – walang kasing hirap kaya sulit ang paghihintay! ;)” -Tarantadong admin na pa-cool

Humingi na ng sorry yung admin na yon kaya medyo tarantado na lang si gago. Hindi damay ang mga taga UP sa  kalokohan na yan. Kung tutuusin, madaming UP students at alumni ang nagalit nung nangyare yan. Hugutan ng talento ang UP at UST. Mula sa linya ng science hanggang sa arts, kilala yang dalawang skwelahan na yan sa paghubog at pagpapakawala ng mga de kalibreng pamato. Maganda ang relationship ng UP at UST. Madaming na silang magandang projects na sabay pinamunuan. Sa cheerdance competition, 1st at 2nd sa bilang ng championship yang mga yan. At parehong masarap tambayan ang mga campus nila. Kaya mukang hindi isang kabobohan na tulad ng ginawa nung admin na yon ang maglalagay ng malaking lamat sa ugnayan (Naks, "ugnayan", Ang lalim.) ng UP at UST.

Akala ng lahat tapos na yung issue nung nagkalinawan na. Sa dami ng taong mas piniling ayusin ang gulo, natabunan yung ugat ng kalokohan. Kaso biglang may mga kumalat na post na bumabasag hindi lang sa UST, hindi lang sa UP, kundi sa parehong universities. Ang nakakabobo pa, madami na ang nakisakay sa tasteless na pambebengga. May mga nagsasabi na personal na opinyon lang naman daw ang mga post na yon, at lahat naman daw tayo ay entitled sa kanya-kanyang opinyon. Oo, sige tama yan. Kaya hindi din mali ang pagbibigay ng mga tao ng "OPINYON" na yung mga nag-post ng pangungutya ay mga gago, bobo, tanga, at iho de put*. Simple lang naman yan. Kung ayaw nilang hatulan sila, wag silang magbigay ng dahilan para patulan sila.

Animosity With Honor
Kanya kanyang basagan ang mga universities pag may competition. Lalo na pag UAAP season.

Nandyan ang walang kamatayang banatan ng "sosyal" status, kontra academic performance...
Banat: "Tuition fee nyo, allowance lang namin."
Resbak: "Finalsnyo, quiz lang namin."
"Thesis nyo, assignment lang namin."
*Nagamit sa mga nakaraang laban tulad ng La Salle vs Ust at ADMU vs UP

Nagkaron din ng hiritan base sa ranking ng "world's top universities"...
La Salla vs Ateneo

Nagkakaron din ng pahapyawan tungkol sa issues...

May mga gumamit din ng pangalan ng palayers sa hirit...
Banat: "TIUperman saves the day."
Resbak: "Mga TIUpot!"

Kadalasan pati mascots damay...
Ateneo vs Adamson

Minsan nagiging daan pa ang "battle cry" para sa banat...
"Animo La Salle! Inamo Ateneo!"

Kahit na nga natatalo, basta makahabol lang ng banat...

Pero bihira umaabot sa labas ng competition ang hiritan. Bilang supporters ng kanya-kanyang skwelahan, nagiging gladiators ang bawat studyante sa arena ng basagan. Iniiwan ang negatibong emotions sa battlefield pag dulo na ng laban. Hirit ng pagrespeto ang mga huling banat na binibitawan. Respto na kadalasang unang binabagsak pa ng mga nanalo, na pinababalik ng mga natalo gamit ang kanilang mga palakpak. 

Sana nga hindi simpleng kabastusan ng kokonti ang sisira sa kaayusan ng karamihan. At sana, lahat ng basagan ay itimpla para sa tamang katuwaan lang. Parang bote lang yan. Pag tinodo mo ang pagbasag, madaming aapila sa ingay, at kakalat pa ang bubog na pwede mong ikasugat.