May mga performance na noon na binabagsak namin dito sa MgaEpal.com, kung sa tingin namin dapat mabigyan ng opportunity at recognition yung nasa video. Kahit dito nag-uumpisa minsan kumalat ang isang video, kahit kailan, hindi namin inisip na nakatulong na kami. Ayaw naming isipin na tulong na ang nagawa namin. Kung ano lang ang sa tingin naming pwede naming maging contribution, sinusubukan lang naming gawin. Umaasa na lang kami na umabot yung video sa TV networks o ibang tao na pwedeng magbigay ng chance na mapakita yon sa mas madami pang tao, para lumaki din ang chance na may magbigay ng totoong tulong. May mga positive results naman noon, baka naman pwedeng maulit ngayon. Wala kaming paki-alam kung pano nyo ikakalat ang tungkol kay Wangwang ng Cebu, pero sana madaming magpahiram ng pag-alalay sa kanya. Eto ang "Wangwang" na siguradong hindi ikaiirita pakinggan ng kahit sino.
Tinimbre ni Kwek2 sa Tip Box