Magiging successful lahat ng papasukin mong negosyo ngayong 2012. Kung wala kang pera pangpuhunan sa negosyo, pwede kang magtrabaho sa iba bilang lucky charm.
Ram (1967, 1979, 1991, 2003)
Mag-ingat sa mga taong may sama ng loob sayo ngayong 2012. Madaming magagalit sayo ngayong taon. Para makaiwas sa away, wag ipagkalat na Ram ka.
Snake (1965, 1977, 1989, 2001, 2013)
Swerte ka ngayong year of the Dragon dahil bilang Snake, muka ka din namang Dragon. Dragon na walang pakpak at paa. Muka ka din palang bulate.
Pig (1959, 1971, 1983, 1995, 2007)
Mapapadalas ang pagmumura sayo ng mga tao ngayong 2012. Kung ayaw mong maniwala, gago ka.
Monkey (1968, 1980, 1992, 2004)
Maganda ang magiging love life mo ngayong 2012. Magkakaron ka ng shota na sobrang kasundo mo ang ugali. Pareho kayo ng zodiac sign. Pinanganak din saya sa year of the Tiger. Kaso Monkey ka nga pala. Paki sabi na lang kay Tiger ang horoscope nya. Yung horoscope mo, next year na lang.
Tiger (1962, 1974, 1986, 1998, 2010)
Itanong kay Monkey ang horoscope mo.
Horse (1966, 1978, 1990, 2002)
Matutupad ang wish mo nung 4th birthday mo. Titingin ka ngayon sa bubong at iisipin mo kung ano ang wish mo nung 4 years old ka. Pipigilan mong tumingin sa bubong dahil nabasa mo 'to.
Dog (1958, 1970, 1982, 1994, 2006)
Madaming biyaya ang dadating sayo ngayong taon. Wag mong tapusin ang pagbabasa ng horoscope mo para dumating ang mga biyaya na yon. Wala na, huli na ang lahat. Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabi na kasing wag tatapusin ang pagbabasa nito. Sayang.
Ox ( 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)
Makikilala mo ngayong taon ang soul mate mo. Pakasalan mo lahat ng tao na makikilala mo ngayon taon para makasigurado.
Rat (1960, 1972, 1984, 1996, 2008)
Siguraduhin na laging maging masayahin, dahil mas maganda idugtong ang salitang "Rat" sa "Yehey!" kesa sa "Boo!".
Rabbit (1963, 1975, 1987, 1999, 2011)
Hindi magiging kasing tibay ng dati ang kalusugan mo ngayong 2012. Para makaiwas sa sakit, magpalit ka ng zodiac sign
Dragon (1964, 1976, 1988, 2000, 2012)
Year of the Dragon ngayon. Masyado ka nang bida. Next year na lang din ang horoscope mo para naman hindi magtampo si Monkey.
Kung Hei Fat Choi