"Amazing Mistake"


Madaming nabilib sa ginawa nung babae dyan. Kahit kami, naastigan din kami sa nangyere. Pero sa tingin namin mali na palagan mo ang holdaper. Eto ang isipin mo... Kung malaki ang chance na effective yung ginawa nung babae, hindi magiging nakakabilib yung video. Intindihin mo muna yan bago mo ituloy yung pagbabasa.

Madami na ang napahamak dahil pumalag o umapila sila sa holdaper. Tandaan mo, desperado ang mga holdaper, mas madami ang walang konsensya sa kanila, at sobrang kabado yang mga yan habang ginagawa nila yung panghoholdap. Kaya pag nakaramdam sila na hindi sila ang in control sa sitwasyon, malaki ang posibilidad na maging violent sila. Kung ano ang kinukuha sayo, ibigay mo na lang. Naniniwala kami kay Lord, pero hindi mo naman siguro kailangan ilagay ang sarili mo sa mas malaking peligro para lang may mapatunayan. Dahil yung makaligtas ka at yung mga kasama mo nang walang nasasaktan, sobrang dapat na pasalamatan yan. Totoong nakakabilib yung nangyare sa video, at nakakatuwa na nakaligtas yung babae at yung customer nya, pero sobrang hindi talaga advisable gayahin.

video tinimbre ni 
Jeruz G. sa Tip Box