Ask The Authors: "Longga-Langgo"

Tanong galing kay Boy_Rubiks:
Mga ninja, tanong ko lang. Alin po ba ang tama? "Longganisa" o "Langgonisa"?

MgaEpal.com:
Ang tama, yung "longganisa". Sa mga kastila kasi natin inampon yan. Sa Spain ang tawag dyan "Longaniza". Marami pang ibang bansa ang may sariling version, pero originally payat at mahaba yan. Dito na lang sa Pilipinas tayo nagkaron ng sariling version natin, na usually hindi masyado mahaba, tapos medyo bilugan. Yung iba, akala nila hugot sa mga salitang "long", "na", at "isa" ang salitang "longganisa". Dahil daw long (mahaba) ang bawat longganisa, at magkakadugtong pag binili mo. Kaya long na tig-i-isa. Pero sa sinasabi pa lang nilang "long" ang bawat longgnisa, mali na agad yan. Dahil hindi naman mahaba ang longganisa sa Pilipinas. Kung length kasi ang pagbabasihan, dapat ang tawag natin dyan "shortganisa". Pero sa tingin namin, gawin na lang nating basihan ang shape, at tawagin na lang natin yang "oblongganisa.".