Ask The Authors: Walkout

Tanong galing kay Sabrina:
Good day po mga sir. I have been visiting your site for almost 2 years na po. Pasensya kung medyo tungkol sa love problem itong tanong ko. Mahilig po kasi mag-walkout ang boyfriend ko pag nag-aaway kami. Bigla na lang syang aalis. Pag sinusundan ko naman sya, maglalakad siya ng mabilis tapos kailangan ko pang tumakbo para maabutan sya. Ayaw ko po kasi na hindi pinag-uusapan ang misunderstanding. Ano po kaya ang pwede kong gawin? Pabayaan ko na lang po ba sya mag-walk out?

MgaEpal.com:
Sabrina, sabi mo medyo tungkol sa love problem yung tanong mo. Medyo lang ba yan? Well anyway, tungkol sa kung dapat mo bang habulin pag nag-walkout yung boyfriend mo tuwing nag-aaway kayo, depende yan sa dahilan ng pag-alis nya. Pwede kasi na gusto lang nyang magpalamig ng ulo bago kayo magusap. May ibang tao kasi na hindi lumalamig ang ulo pag nakikita nila yung kasagutan nila. Minsan kailangan lang nila lumayo muna para maging kalmado. Umiiwas lang sila dahil baka may masabi silang masakit. Alam naman natin na pag galit tayo, minsan may mga salita tayong binabato na hindi naman natin sasabihin kung kalmado yung utak natin. Kung sa tingin mo ganyan yung boyfriend mo, pabayaan mo syang mag-walkout, pero mag-usap kayo pag wala na kayo sa aggressive na mood.

May possibility din na ginagawa nya yung pag-walkout dahil lang takot syang linawin ang issie. May mga tao din kasi na ayaw plantsahin yung gusot dahil baka makita na sila yung mali. Hindi dapat masanay mag-walkout yung mga ganyang tao. Dapat pigilan para malaman nila kung ano ang kailangan nilang baguhin. Kung ganyan ang boyfriend, habulin mo sya tuwing nagwo-walkout sya. Pag naglakad sya ng mabilis, o kaya pag tumakbo sya, sumigaw ka ng "snatcher!", tingnan lang natin kung hindi huminto yan.