Babala: Ang susunod na palabas ay rated PG (Parental Gago)


Sa New York nangyare yan. Sabi nung tatay ng 4 years old na batang Chinese, gusto lang nyang ma-train ang anak nya na maging strong at manly.  Halata namang palusot na lang nya yan sa pagtitrip nya. Maririnig naman sa background na tumatawa silang dalawa ng asawa nya. Pinagawa daw nila yan para maging strong at manly yung bata? Yung pagtakbo ng walang damit sa labas ng bahay habang may snow, muka bang sign ng strength yan o stupidity? At kelan ba naging manly ang pagsusuot ng yellow na brip? Madaming fake na bagay ang galing China, hindi lang namin alam kung pati parenting pinipeke na nila.