"Biyaheng Langit"


Maraming kaskaserong truper. Hindi namin nilalahat pero sa sabrang dami ng jeep sa Pilipinas, nagiging diskarte ng halos lahat sa kanila ang maging barubal sa kalsada. Pero kung gagawin pang katuwaan, palipas oras, pasikat, at hobby ng iba sa kanila ang busabos na pagmamaneho, tang*na tanggalan na ng lisensya yan. Dapat umabot sa LTO 'tong video na 'to. May palatandaan yang mga jeep na yan. Imbistigahan nila kung sino ang nagmamaneho para makunan ng lisensya at ilagay sa record nila na wag nang bigyan ng lisensya ulit kahit kailan. Oo kawawa sila  pag nawalan sila ng lisensya at kung pagiging truper ang kabuhayan nila. Kaso kung nalalagay sa peligro ang iba dahil sa trip nila, hindi talaga sila dapat magkaron ng kabuhayan. Kung gusto nila bumiyahe papunta sa langit, tang*na wag na silang mandamay. Dapat nga makulong yang mga gagong yan dahil criminal offence ang endangering the safety and well-being of others. 

Wag na nating hintayin na may iba pang maglakas loob na gayahin yang kabobohan na yan. Wag na nating hintayin na may inosenteng tao na masaktan, o mamatay dahil dyan. Paki timbre na lang 'to sa LTO. Ipaabot nyo sa mga samahan ng jeepney operators para mabilis mahanap yang mga pa-cool na tsuper. Paki timbre sa kung sino man ang dapat manghuli sa mga yan. At bahala na kayong magkalat nito.

video tinapon ni 
satchi knarf sa Tip Box