
Business Proposal
Para sa mga business minded lang ang pabasa na 'to. Binibenta daw ngayon ng DBP (Development Bank of the Philippines) ang 75% stake ng MRT-3. Yan yung dumadaan sa stations ng North, Quezon Avenue, Kamuning, Cubao, Santolan, Ortigas, Shaw, Boni, Guadalupe, Buendia, Ayala, Magallanes, at Taft. Balak naming bilihin ang MRT-3. Nag-ambagan na kami pero kulang pa. Naisip namin na kailangan namin maghanap ng business partner. Kaya kung gusto mong maging partner namin sa pagbili ng MRT-3, magpadala ka lang ng email. 400,000,000 pesos nila binibenta yung MRT-3. Sa ngayon, meron na kaming 287 pesos, kaya 399,999,713 pesos na lang ang kailangang mong idagdag. Wag kang mag-alala, sisiguraduhin naming 50-50 ang hatian natin sa kita.