Sa unang buklat nakalatag yung linyang "Hahampas muli ang alon". Maiksi lang yan pero medyo nahirapan kaming isipan ng image interpretation nyan. Hindi naman kasi literal na na alon ang tinutumbok dyan, kung totoong alon kasi na tipong tsunami ang hahampas, malamang magkanya-kanya na kami, at "Takbuhan" na lang ang title nung kanta.

na-disappoint ang expectations mo sa kaibigan o sa pamilya. Lumapag kami sa idea na biyak na heart at peso sign ang gamitin para sa linyang yan.

Sa mga ninya naman na "Ngunit di ka mag-iisa. Sa pagtindi muli ng panahon, kami parin ang makakasma" madali lang namin naisip kung pano ang image interpretation nyan. Magpapakita lang ng magkakasamang magkakaibigan. Pero hindi namin alam kung pano gagawin yon na magsisimulang nakatago muna yung ibang tao, at pano pasusulputin. Mabilis naisip ang concept, matagal naisip ang execution. Tatlong pop-up technique ang ginawa namin na pumalpak bago kami nakaisip ng paraan na hindi magpapasikip sa unang buklat.
Estimated fabrication time para sa unang buklat
-Digital image editing: 2 hours and 30 minutes.
-Pop-up page creation: 3 hours