Mga "Ahcee Flores" nagalit kay Ahcee Flores.



Hindi na sana namin papatulan 'tong issue na 'to. Halata naman kasing trolling lang yang kagaguhan na yan. Yan yung mga klase ng tao na walang kaibigan, kaya gusto lang humugot ng reaction galing sa ibang tao. Mukang effective naman dahil madaming nagpasikat sa kanya. May mga lumabas pang totoong pangalan at picture DAW ng taong yan. Pero hindi na namin ipuputok dito yon dahil wala namang confirmation na sya talaga yon. Oo, nakakapang-gigil talaga yung mga comments na ginawa nya sa nangyareng lindol sa Visayas. Pero dapat hindi na binigay sa taong yan yung satisfaction na malaman nyang successful sya sa pagto-trolling nya. Sa tingin nyo ba malungkot yang taong yan ngayon na maraming galit sa kanya? Nag-eenjoy ngayon yan, at baka lalo pang ganahan na ulitin yang ganyan. Pero hindi yan ang dahilan kung baket kami napilitang patulan ang issue na yan.

Tungkol sa madaming Pilipino ang pabasa na 'to. Nakakagago yung trip na ginawa nung Ahcee Flores, pero mas nakakagago na karamihan ng Pilipino, ganon din ang takbo ng utak, Hindi siguro kasing brutal, pero yung idea na baduy ang mga Bisaya, nakamantsa din sa utak ng madami. Karamihan ng nagalit kay Ahcee Flores, alam nila sa sarili nila na tuwing nakakakita sila ng baduy, tinatawag nilang "bisaya" yung porma, o kahit iniisip lang. Pero sila din naman yung mga taong nakiki-uso kahit hindi na bagay sa kanila. Yan yung mga taong nagmedyas kahit naka sandals lang nung nauso ang conyo, nagsuot ng doo-rag nung nauso ang hip-hop, naglagay ng eye liner nung nauso ang emo, mga nagsuot ng bunot sa ulo nung nauso si Justin Bieber, at patuloy na sasabay sa kahit anong mauso sa karamihan. Sa madaling salita, mga taong walang identity. Sa panahon kasi ngayon, pag hindi ka sumabay sa pagiging mukang tanga nila, baduy ka. Ang tanong lang, pag muka ka nang tanga, kailangan ba maging tanga ka na talaga? Baket kailangan nilang gawing synonym ng kabaduyan ang pagiging bisaya? Hindi ba nila alam na sobrang daming fashion designers at modelo na tubong Visayas? Dyan mo makikita ang pagiging ignorante. May mga taong "bisaya" ang tawag sa kabaduyan, pero pag tinanong mo kung baket, sasabihin nila sayong expression lang nila yon. Kung may kilala kang mga taong ganyan, pwedeng isa sila ang mga "Ahcee Flores" na nagalit kay Ahcee Flores. At kung expression lang din naman nila yan, maiintindihan naman siguro nila kung babagsakan mo sila ng expression na nagtatapos sa "ina mo".