Orange na siguro ang pinaka neglected na kulay. Yan kasi ang kulay na pinaka walang sini-symbolize. Pag tinanong ka kung anong una mong maiisip pag sinabing "color red", normal na mga sagot dyan, una, love, o kaya bravery. Pwede ding passion. Pag sinabing green, automatic, nature ang maiisip ng karamihan, o kaya health. Simbulo din ng kulay green ang envy o jealousy. Sa blue, royalty. Ang white, kapayapaan. Yellow, kaduwagan. At pag pink, pangbabae daw. Pero pag sa orange, halos walang instant na sagot kung ano ang pwede mong i-associate sa kulay na yan. May mga mag-iisip siguro na, madami namang kulay na halos walang sinisimbulo, tulad ng burgundy, lavender, fuchsia, turquoise, at kung ano-ano pang sosyal na kulay. Pero ang pinag-uusapan dito, mga kulay na normal. Yung mga alam ng average na lalake, at hindi kasama yung mga kulay na kilala lang sa mga tindahan ng pintura at sa mga parlor. May mga hihirit din siguro na hindi orange ang pinaka malungkot na kulay dahil itim ang kulay ng pagluluksa. Kaso pag sinabing "black" maiisip mo din ang salitang "classic", "darkness", etc. Pero sa orange, isang bagay lang ang unang papasok sa utak mo pag binanggit yan... "orange" din, yung prutas. O kaya ponkan kung pasosyal ka. Pinaka bihira yung taong favorite color ang orange. Sa unang 100 na taong sumagot sa
MgaEpal.com Facebook Page, sa tanong na ano ang paborito nilang kulay, Pnaka madami ang sumagot ng red, green, at black kahit considered ang black bilang shade lang at hindi color. Madami din ang sumagot ng blue, yellow, at pink. Tatlo lang ang sumagot na orange ang favorite color nila. Nakapagtataka lang dahil isa yan sa kulay na araw-araw nagpaparamdam sa atin, araw-araw umiiksena, araw-araw pumapapel. Dahil araw-araw lumulubog ang araw, at orange ang kulay ng sunset.
Siguro nga mas bihira lang talaga mapansin ng mga tao yung mga nasa langit.
Kung naintindihan mo yung pinaka point nito, pwedeng mas madalas mong maalala magdasal.
Para sa mga hindi naintindihan yung point, ipagdasal na lang natin na tumaas ang I.Q. nila.