Bago mo ituloy ang pagbabasa nito, gusto muna sana naming tingnan mo kung ilan ang "friends" mo sa Facebook. Kung hindi ka tinamad at ginawa mo yan, isipin mo naman ngayon kung ilan sa nasa friend list mo yung pwede mong ipakilala bilang kaibigan mo talaga at hindi acquaintance lang. Sa mga matatawag mong kaibigan, isipin mo kung sino lang dyan yung tinuturing mo na kabarkada. Sa mga kabarkada mo, sino sa kanila yung pinagkakatiwalaan mo? Sa mga kabarkada mo na pinagkakatiwalaan mo, isipin mo kung sino lang yung sa tingin mo may tiwala din sayo. Sa mga kabarkada mong pinagkakatiwalaan mo, at nagtitiwala din sayo, isipin mo kung sino yung mga hindi ka nahihiyang lumabas ang gilagid mo pag tumatawa ka. Isipin mo kung sino yung mga hindi ka nahihiyang barahin pag nagpatawa sila. Isipin mo kung sino yung mga sa sobrang tindi ng pinagsamahan nyo, kaya nyong ipang-asar ang mga personal na problema ng bawat-isa, na walang napipikon. At isipin mo kung sino yung mga sa sobrang komportable nyo sa isa't-isa, nagiging lambing na lang ang pagmumura. Isipin mo mabuti, dahil para sayo at sa mga taong natira sa isip mo ang nasa baba.
by MgaEpal.com
Hahampas muli ang alon, ngunit di ka mag-iisa
Sa pagtindi muli ng panahon, kami parin ang makakasama
Sa paglubog ng araw, tila di ka mapalagay
At sa gabi ng iyong lumbay, kami parin ang makikiramay
Chorus:
Ang hatid ng panahon
Pinagtibay na pagsasama
Hinubog ang tiwala
Sandigan ng samahan
Ang nagbato ng pakikiramay at ang umakay sa taob
Silang tumabo ng respeto, sumalo ng tagay, sumabay sa pagod
Taon man ang lumipas hanggang sa sunod na makaharap
Ang dangkal ng pakikisama, mananatiling tapat sa sukat
Pinagtibay na pagsasama
Hinubog ang tiwala
Sandigan ng samahan
Ang nagbato ng pakikiramay at ang umakay sa taob
Silang tumabo ng respeto, sumalo ng tagay, sumabay sa pagod
Taon man ang lumipas hanggang sa sunod na makaharap
Ang dangkal ng pakikisama, mananatiling tapat sa sukat
((Chorus))
Pakikisama at tiwala ang puhunan
At pinagtibay ng problemang pinagsaluhan
Diskarte ng buhay, karamay kaibigan
Ang hinugas ng luha ay pinamanhid ng tawanan
((Chorus))
Pinagtibay ang sandigan ng mahusay na...
Pinagtibay ang sandigan ng mahusay na... samahan
((Chorus))
"Samahan" (music video)
credits:
Raw sketches for pop-up book by Aldrin Sanchez
Song recorded at Sumata Sounds Studio