Hindi na naman tuloy ang laban ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather na dapat gagawin sa May. Buti na lang wala nang umasa. Yan yung mga tipo ng bagay na kung mangyayare, edi mabuti, kung hindi, bahala na sila. Pero intindihin natin si Manny at Floyd. Hindi nila kasalanan kung baket laging hindi natutuloy ang date nila. Si Pacquiao kasi, busy. Si Mayweather naman, gago sya. Pero seryoso, dapat wag na lang nila paasahin yung mga tao. Maghahamon sa twitter, tapos magpaparinigan sa mga interview, pero wala namang suntukan na nangyayare. Wala pang kahit isang round ang napapakita ni Pacquiao at Floyd sa boxing, pero kung tarayan ang laban, madaming rounds na ang nangyare. Puro salita, puro paninira, puro pagbabanta. Wala silang pinagkaiba sa mga taong nag-aaway sa chat. Yung mga tipong naghahamunan pero pareho namang ayaw magkita at magsapakan. Pero wala tayong magagawa. Panonoorin parin naman natin lahat ng laban nila sa ibang boksingero, dahil exciting na fighter si Pacquiao at dahil inaabangan natin na magkaron ng talo si Mayweather. Maiintriga parin tayo sa mga parinigan nila, dahil chismoso tayo. At maghihintay parin naman tayo na matuloy yung laban nila, dahil magaling silang magpaasa.
image hugot dito
"Why do they build us up, buttercup baby just to let us down, and mess us around.
And then worst of all they never fight baby when they say they will..."