Alamin. Ipaalam. Maki-alam. : "KONY 2012"

Ang Pilipinas ay ranked na 18th sa dami ng internet users sa buong mundo.
Sa higit kumulang 196 na bansa sa buong mundo 7th tayo sa dami ng Facebook users.
6th tayo sa dami ng twitter users. Nasa top 3 tayo sa dami ng Youtube video viewers.
Pilipinas ang tinatawag nilang "Networking Capital Of The World."  

Kung tutuusin, sa mga advertisers lang may silibi yang mga statistical numbers na yan. Pero dyan din sa mga stats na yan mo makikita kung baket malaki ang impact ng Pilipinas sa international issues.


Kadalasan sa pakikipaglandian, pakikisosyalan, at pakiki-uso ang mga dahilan kung baket madaming active na Pilipino sa social networking sites. Siguro naman kahit paminsan-minsan lang, pwede tayong maging positibong epal at alamin, ipaalam, at maki-alam sa mga bagay makakatulong sa iba. Sobrang sandaling oras at konting effort lang naman ang kailangan mong ipahiram. Oo, isa ka lang, at pwedeng isa lang din sa mga kakilala mo ang makakita pag nag-share ka. Pero kung magtutuloy-tuloy yung paisa-isang yan, imposibleng hindi kumalat yan. Sa panahon ngayon, ang laki ng nagagawa at ang layo ng naaabot sa simpleng pagkalat ng information.


Alamin. Ipaalam. Maki-alam.

(Salamat sa 32 na taong nagtimbre sa amin ng video na 'to.)