Sa ilang government officals na nabukong nangungurakot, hundred millions ang lumalabas na binulsa nila. Sa lagay na yan, konti lang ang nabubuko. Isipin mo kung ilang billion peso ang nawawala sa tax na binabayad natin. Taong bayan ang pinaghuhugutan nila ng panggastos sa mga papoging kotse nila, at kung ano-ano pang luho. Buti pa yung mga traffic enforcers na humihingi ng lagay pag nahuli ka, sa ganyan may mali ka kasi kaya ka nabiktima ng kotong. Pero may nakuha ka namang kapalit sa binayad mo dahil hindi ka na huhulihin. Yung mga sidewalk vendors na hinuhuthutan ng protection money ng mga pulis, kawawa sila pero at least may nakuha silang kapalit. Dahil kahit bawal magbenta don, parang nagbayad sila ng upa sa lugar na pinagbebentahan nila. 'E yung mga kurakot na government officials, may nakukuha ba tayong kapalit sa kinukupit nila? Nabubusog ba tayo pag kumakain sila sa mga five star hotels? Natutulugan ba natin yung mga condominium nila? Nahihipuan ba natin yung mga high class escorts na inuupahan nila? Tax na binayad natin ang pinangbabayad ng mga kurakot kaya kung tutuusin tayo ang nagsusustento sa kanila. Ayaw natin yan pero wala tayong magagawa dahil kailangan talaga magbayad. Inimbento ang tax para makakolekta ng pera na gagamitin para sa improvement ng isang bansa, kaso ginagamit lang ng madaming opisyal para sa improvement ng sariling buhay nila. Pero mabuti nang magbayad ka ng tax kesa naman mahuli ka nila at mas malaking pera ang kunin sayo at ibulsa.
Madami nang charity foundation para sa mga less fortunate, kaya yang tax naman ang ginawa nilang charity foundation para sa mga more fortunate. Sapilitan pa ang donations. Tang*na ang saya.