Speak no evil. See no evil. Hear no DISRESPECT.


Madaming nagagalit kay Aguirre dahil sa ginawa nyang pagbasag kay Miriam. Iniintindi ba muna ng mga tao ang sitwasyon? Kung pakikinggan yung mga sinabi ni Miriam, mapapansin mo na nirereklamo nya yung diskarte ng prosecution (In a very disrespectful way). Baket? Judge sya, dapat wag syang masyadong pakialamera. Parang laro lang yan ng chess. Pano didiskarte ang payer kung aapila ang adjudicator (referee) sa mga galaw nya? Oo may karapatan kwestyinin ng mga senator judges ang mga abogado, pero baket yung prosecution ang madalas pinag-iinitan? Baket hindi pilitin ang depensa na ipaliwanag ang discrepancies sa SALN ni Corona. Tang*na yung prosecution tuloy ang nagmumukang defense. Tapos pwede namang gawin ang pagtatanong in a civilized way. Simple lang ang request ng prosecution... RESPETO. Pwede ka namang komontra in a respectful manner. Bilib kami sa tapang ni Miriam. Kahit noon pa, kahit hindi kami agree sa ibang trip nya, nandon yung naaastigan kami sa tapang nya. Kaso iba ang matapang sa bastos. Inamin naman ni Aguirre na alam nyang mali ang ginawa nya. Pero kay Miriam galing ang action, REACTION lang ang kay Aguirre. Simple lang naman yan; Kung trip mong mang-gago ng iba, dapat handa kang gaguhin ka. Sa nangyareng yan, hindi dapat ipagtanggol ni Miriam ang ginawa nyang pambabastos sa prosecution. Sa totoo lang, mas irerespeto sya ng mga tao kung aakuin nya na may mali din sya.