Pag bigla mong pinakawalan mo ang liquid na may mataas na pressure, magkakaron talaga nang thrust kaya matutulak yung pinanggagalingan nung pressurized liquid. Sa video na yan, makikita na humihigop sila ng tubig, tapos biglang mabilis na release. Yung pressure na galing sa mabilis na release nung tubig ang nagbigay sa kanila nung thrust, pero may trigger yung water jet pack nila kaya kontrolado nila yung tulak ng tubig. Sa mga inalog na soft drinks in can naman, yung soft drink yung liquid, tapos yung pressure nanggagaling sa reaction nung carbonated water sa pag-alog nung lata. Kaya pag binuksan mo yon at nilapag nang pahiga, matutulak din yung lata palayo sa direction nung thrust, o kaya iikot yung lata (depende sa angle nung butas sa lata.) Parang ganyan din ang nangyayare pag sobrang naiihi kaming mga lalake. Nagkakaron kasi ng pressure sa pantog namin, tapos pag release namin sa ihi, nagkakaron nang thrust. Kaya nga minsan mukang nakatukod kami sa pader habang umiihi, pero kung tutuusin nakakapit kami non. Pag hindi kasi kami kumapit, baka matulak kami nung pressurized ihi palayo sa pader. Yan ang dahilan kung baket may mga pader na sinusulatan ng "Bawal Umihi Dito", yun kasi yung mga pader na mahirap kapitan o kaya may sharp edges na pwede mong ikasugat pag kumapit ka. Hindi namin alam kung pano napunta sa ganitong usapan 'to, kaya tapusin na natin para hindi na humaba ang sinasayang mong oras.
video tinimbre ni
Parrack Banana sa Tip Box