Tanong galing kay watusi:
Bakit po may inaagaw na teritoriyo ang china sa Pilipinas, kahit na malaking bansa na ang China?
MgaEpal.com:
Hindi basta-bastang mga "teritoryo" o islands ang inaagaw ng China, at hindi lang sila ang gustong umangkin sa mga yan. Mayaman sa mineral, oil deposit, at marine life ang Spratly islands at Scarborough Shoal kaya yan pinag-aagawa. Hindi namin alam kung ba't ka nagtataka na kahit malaking bansa ang China, nakiki-agaw pa sila. Hindi ba mas normal yon kesa kung mas maliit sila sa Pilipinas? Mas malakas kasi ang loob nila dahil malaki nga sila. Kung maliit ang China, sa tingin mo ba ganyan parin ang tapang umapila kahit mali sila? Kung mas malaki ang Pilipinas sa China matagal nang napasaatin ang karapatdapat na maging atin. Parang ganito lang yan... kanino ka mas maglalaks loob makipag-agawan ng candy, kay baby James, o kay Dwight Howard?
