Question:
zUrCaLeD: "Ano po ba dapat kong gawin para di na ako i-bully sa school ng mga classmates ko?"
MgaEpal.com:
Depende yan sa kung anong klaseng mangbu-bully ang ginagawa sayo, kung physical o verbal. Kung tipong pinagtitripan ka na may physical contact, banggitin mo sa teacher agad. Responsibilidad ng adviser nyo na pahintuin yan. Kung verbal abuse naman, nilalait paulit-ulit, o binabantaan, at ang purpose ay pahiyain ka, umpisahan mo ang solusyon sa verbal din muna. Kausapin mo yung bully mo at itanong kung baket nya ginagawa yon, at subukan mong pakiusapan na wag na nyang gawin. Sabihin mo kung pano ka naaapektohan sa ginagawa nya. Pag hindi nakinig, dun ka na gumawa ng complain sa adviser nyo. Basahin mo ang school handbook nyo, nandyan dapat kung ano ang mga pangbu-bully na bawal gawin ng mga studyante. Pag wala sa hand book nyo, timbre mo dito, tatawagan namin ang school nyo. Nasa batas na natin ngayon na dapat present yan sa mga school handbooks.
Minsan depende din yan sa actions ng tao kung baket sya binu-bully. May mga tao kasi minsan na hindi nila alam na nagiging magnet sila ng bullies dahil sa ginagawa nila. Hindi namin alam kung pano ka kumilos sa school nyo, pero payo lang, wag mo nang gagamitin na nickname yang binaliktad at alternating small and capital letters na apilyido mo.. Sa susunod kasi, baka hndi na namin mapigilan na kumampi sa mga bully mo.
Sana nakatulong kahit konti yang mga yan. Good luck kid.
