Back To School Reminders

Kaibiganin ang mga nasa kabilang row, para pag exchange papers at isa sa kanila ang magche-check ng test paper mo, pasado ka lagi. Siguraduhin lang na meron kayong parehong tatak at kulay ng black ballpen.

Halos lahat ng estudyante, sa 1st quarter lang may kanya-kanyang pad paper. Pag dating ng 2nd quarter at ubos na ang supply nyo, mambuburaot na ang mga tamad bumili ulit. Wag magdala ng madaming pad paper para may palusot ka na konti na lang ang pad paper mo. Ok lang magdamot dahil pera ng magulang mo ang pinangbili nyan. Pero kung may putok ka magdala ka ng madaming pad paper, para naman may kumausap sayo kahit tuwing may test lang.

Kaibiganin lahat ng kaklase mo at alamin kung kailan ang birthday nila para alam mo kung kailan ka magpapalibre. Isipin mo, halimbawang 43 kayo sa klase, 43 na araw kang may libreng lunch. 43 na araw na pwedeng idagdag mo sa ipon mo yung binigay sayong allowance. Kung 70 pesos ang budget mo for lunch, 3,010 pesos din yon.  Pwede ding makipagkaibigan ka na sa lahat ng tao sa school at alamin kung kailan ang birthday nilang lahat para pati recess libre ka. Kung 150 ang allowance mo at hindi mo kailangan gumastos tuwing recess at lunch, sa buong school year makakaipon ka ng higit kumulang 30,000 pesos. Siguraduhin mo lang na absent ka pag birthday mo.

Para sa mga college students, maglagay lagi ng condom sa wallet. Para makaiwas sa disgrasya, o kaya para kunyare may sex life ka.

Kalimutan nyo na magdala ng ballpen, kalimutan nyo na magdala ng papel, wag lang ang magdala ng tissue. Maraming pwedeng hiraman ng papel at ballpen. Mahirap manghiram ng tissue pag naeebak ka. Lalo na kung  sobrang excited na magsuka ang tumbong mo.

Kumain lagi ng mga sagana sa vitamin A at mga rich in calcium. Mas madaling mangopya pag malinaw ang mata at matangkad ka.